Jed Madela: Okey na kami nina Daniel at Kathryn, naayos na!


We had the chance to talk to our kababayan-super-singer na si Jed Madela a few days ago, sa imbitasyon ng anak-anakan nating si Dominic Rea. We had fun talking to one of the most misunderstood artists ng music industry natin.

Kung anu-ano na lang ang ikinakabit na adjectives sa kanya – suplado, maldito, sobrang taas maningil ng talent fee at kung anek-anek pa.

In fairness kay Jed, aware siya sa mga akusasyon sa kanya pero hindi na lang niya masyadong dinidibdib dahil kilala naman daw niya ang kaniyang sarili.

“May ganoon ngang kuwento about me, suplado raw at hindi namamansin. Na kesyo maldito dahil hindi raw ako basta-basta lumalapit kahit kanino. Minsan ay iniisip ko, ano ba ang dapat kong gawin para ma-please ko silang lahat?

Pero na-realize kong I truly cannot please everyone kaya I just do my part, yung being nice sa abot ng aking makakaya.
“Idinadaan ko na lang sa pagkanta ang lahat – I just love what I do.

Ang mahalaga para sa akin ay yung wala akong inaapakang tao at kung magkamali man ako minsan sa handling ko sa mga bagay-bagay, I make sure to make up for them.

“Tulad nu’ng sinasabi nilang nagalit sa akin ang KathNiel fans dati (Kathryn Bernardo and Daniel Padilla) nu’ng ipinost ko sa Instagram yung mga kalat ng kinainan sa dressing room.

Hindi ko naman alam na sa kanila iyon. Ang sa akin lang, I posted it para turuan ng leksiyon ang sinumang may kalat ng pagkaing iyon dahil – di ba naman?

“Pagkain iyon and siguro naman ay tinuruan tayo ng mga magulang nating ayusin ang pagkain, na hindi tayo nagkakalat. Respeto sa pagkain iyon. Nang mag-react na ang KathNiel fans, binura ko agad iyon.

Kasi nga, ayoko namang ipahamak ang mga co-artists ko, hindi naman ako ganoon. Nag-usap kami agad nina Daniel about it at naayos naman,” ani Jed Madela who is mounting a beautiful and intimate birthday concert sa Music Museum sa July 14.

Exciting ang show na ito dahil napakaganda ng repertoire ni Jed. Wait natin ang ibang updats about this bonggang show, OK?

( Photo credit to EAS )

Read more...