Angel bawal pang buntisin ni Luis dahil sa Darna


Kumpirmado nang gagawin ni Angel Locsin ang bagong movie version ng “Darna” sa 2015. Ito ang nadulas na sabi ni Kris Aquino kay Luis Manzano sa The Buzz nu’ng Linggo.

Tinanong kasi ni Kris kung napag-usapan na nina Luis at Angel ang kanilang kasal hanggang sa mapadako ang usapan nila sa “Darna”. Sey daw ni Kris, “Are you aware na may Darna si Angel next year?

E, paano ‘yun, makapaghihintay ka ba na hindi muna mabuntis si Angel kung pakakasal kayo?” Sagot daw ni Luis, “Yes, pwede namang i-delay ‘yun.”

Nasisiguro namin na kung si Angel din ang tatanungin, mas uunahin muna niyang gawin ang “Darna” movie kesa magpabuntis kay Luis dahil once in a blue moon lang sa isang artista ang gumanap na Darna sa pelikula.

Ang tanong lang, magkaroon kaya ng cameo role ang isa pang Darna sa buhay ni Luis na si Gov. Vilma Santos na itinuturing na pinakasikat na Darna?

( Photo credit to luis manzano official fanpage )

Read more...