Sagad na si nanay (2)

 

 

Sulat mula kay Charmelita ng Glan, Sarangani
Prolema:
1.      Ang tanging tanong ko na lamang sa inyo, Sir Greenfield, ay kung mabubuo pa ang pamilya namin, na iniwan ng haligi ng tahanan at sumama sa maruming GRO.  Awang-awa na ako sa nanay ko.  Parang sagad na ang kanyang lakas sa pagbuhay sa aming magkakapatid, lalo na nang dumating ang sunud-sunod na naniningil ng bayad sa aming mga utang.
2. Sanay na akong makita ang nanay ko na umiiyak sa gabi at sanay na rin siyang makita na ako rin ay umiiyak.  Naglaho na rin ang pag-asa ko na makapag-aral sa kolehiyo at makatapos para magkaroon ng trabaho sa munisipyo o kapitolyo.  Kahit na anong trabaho ay pinasok ko na, maliban na lamang ang pagbebenta ng aking laman.  Makaaahon pa ba kami sa hirap?
Umaasa,
Charmelita ng Glan, Sarangani
Solusyon/Anlysis:
Astrology:
  Ang zodiac sign mong Leo (Illustration 2) ang nagsasabing susuwertehin kayong mag-ina sa tulong ng lalaking isinilang sa zodiac sign na Sagittarius. Ang nasabing lalaki ang siya na ring tutulong sa iyo upang ikaw ay makapag-abroad.
Numerology:
Ang birth date mo ay nagsasabing ang paga-abroad na mangyayari sa iyong kapalaran ay inaasahang magaganap sa taon 2015 o kaya’y 2016.
Luscher Color Test:
Ugaliin mong magsuot ng kulay na dilaw at pula, sapagkat iyan ang suwerte mong kulay na mag-aahon sa inyo sa kahirapan. Kung saan, tandaan mong dahil iniwan na kayo ng iyong ama, kailangang mas maging matatag ka ngayon upang makayanan ninyo ng nanay mo ang mga problema lalo na sa pinansiyal.
Graphology:
Ang lagda mong mahaba, may malalaking letra at masigla ang nagsasabing basta’t tuloy-tuloy kalang na magsikap at maghanap ng trabaho muna sa ngayon, tiyak ang magaganap makakatagpo ka ng trabaho na sapat lang suweldo upang makaraos kayong magiina sa pangangailangan ng buhay sa buong maghapon.
Huling payo at paalala:
Charmelita, ayon sa iyong kapalaran hindi na nga babalik ang iyong ama na sumama sa ibang babae. Pero sa susunod na taon, makakatagpo ang iyong ina ng panibagong asawa na nagtataglay ng zodiac sign na Sagittarius. Ang nasabing lalaki ang tutulong sa inyo lalo na sa iyo upang ikaw ay makapag-abroad. At sa panahong nasa abroad ka na, mabibigyan mo na ng isang maalwan at masaganang buhay ang inyong pamilya.

 

 

Read more...