MAY mga naglalabasan lately na parang gusto nilang panalunin si Anne Curtis as Box-office Queen sa Guillermo Mendoza Memorial Awards instead of Ai Ai delas Alas.
Parang may grupo raw na sumasabotahe sa ating Undisputed Comedy and Box-office Queen.
Ito’y matapos nga nating masaksihan kung paano pinilahan sa takilya ang 2011 MMFF entry nila ni Vic Sotto na “Enteng Ng Ina Mo” produced by Star Cinema, M-Zet and APT Productions.
As in, halos sa kanila na nga napunta ang lahat ng dahtung ng mga Pinoy via their very entertaining and family-oriented movie.
I-analyze nating mabuti kung bakit dapat si Ai Ai ang hiranging Box-office Queen this year kumpara kay Anne Curtis na nagbida sa “No Other Woman” na in fairness ay tumabo rin naman sa takilya.
Sina Ai Ai and Vic Sotto ang title-roller sa “Enteng Ng Ina Mo” while Anne shared roles with Cristine Reyes and Derek Ramsay. Kumbaga, hindi puwedeng i-claim ni Anne na sa kanya lang ang film na iyon – hati silang dalawa roon ni Cristine.
Kaya hindi siya puwedeng bigyan ng solo award for that. Pero ang kay Ai Ai, kahit sabihin pang share sila ni Vic Sotto sa credits ng pagkita ng movie, obvious na siya lang ang “reyna” ng pelikula nila ni Bossing. Malinaw po ba?
As far as being Box-office King naman is concerned, pinagsasabong din nila sina Vic Sotto for the same film and Vice Ganda for “Private Benjamin”.
Ang grupo raw na gustong manalo si Anne ay ang grupo ring kampi kay Vice Ganda. Wait lang naman! Coming from a dismal flop na “Petrang Kabayo” (some sources told me), nakabawi nga si Vice sa “Private Benjamin” pero seems like hindi naman talaga super box-office hit iyon.
Kumbaga, ang inanunsiyo raw nilang gross income ng film ay padded na raw unlike “Enteng Ng Ina Mo” nina Vic and Ai Ai na walang mali sa declaration – up to the single centavo na kita ng pelikula ang inilabas ng mga producers at hindi pa kasali riyan ang kita sa mga probinsiya after the festival.
Yung nabasa nating gross receipts ng “Enteng Ng Ina Mo” ay yung inabot lang ng cut-off ng festival. Kaya malabong natabunan ng “Private Benjamin” ang kinita ng “Enteng Ng Ina Mo”, iyan ang pagkakaalam namin.
Bakit pinagpipilitan nilang maging Box-office King itong si Vice Ganda? Tsamba lang naman yung sa kanya unlike Vic Sotto na proven and tested na.
“Wala naman sa akin kung hirangin nila akong Box-office Queen or not. I’m just thankful na at least na-consider nila akong pagpilian.
Masaya na ako roon. Kung gusto nilang ibigay kay Anne Curtis or kung kaninuman, so be it. At least Kapamilya ko rin naman ang gusto nilang manalo.
Hindi naman taga-London or Brazil si Anne, Pinay naman iyan at Kapamilya rin.
“Ang hindi lang maganda ay yung sinasabi ngang may grupong parang ayaw sa akin. Okay lang iyon, sana nga lang, lumantad sila. Ayoko lang ng patalikod akong pinag-uusapan.
I’ve won that award already and I treasure that. Kung gusto nilang ibigay sa iba ang award na iyon, okay lang sa akin. Give chance to others nga, di ba?
Hindi ako suwapang sa mga award-award na iyan. Kung para sa akin, akin. Kung hindi, di hindi.
“Nakaka-stress kasing isiping may mga taong lumalakad for someone else, naririnig ko rin iyon.
Para namang hindi ako taga-Star Cinema. Nasasaktan lang ako’t naiinsulto. Pero okay lang iyon. Kilala ko na naman kung sinu-sino ang mga nasa likod nito but it’s alright.
Basta ako, kami ni Bossing Vic, gumawa lang naman kami ng masayang pelikula at nagpapasalamat sa mga kababayan natin at tinangkilik nila.
“Masaya kami at kumita nang maganda ang ‘Enteng Ng Ina Mo’ tulad ng mga nakaraang filmfest entries ko para madagdagan ang puhunan ng producers ko para maipagprodyus ang iba nating mga Kapamilya ng matitinong mga pelikula.
In some ways, nakatulong naman siguro ang mga kinita ng movies ko para pantustos sa mga naging pelikula nina Anne or whoever, di ba?
Kung kay Anne nila ibibigay ang award na iyon, I will be very happy for her too,” anang Comedy Concert Queen.
Marami ang nagtatanong kung sinu-sino raw ba ang sinasabing nasa grupong gustong ipanalo sina Anne at Vice?
Well, may nagtanong sa amin, “Sino ba ang best friend ng dalawang iyan?” Wala akong maisip na iba kundi si…”You know who?”
Pero, di ba friendship din naman siya ni Ai Ai? Well, para naman kayong bago nang bago sa mundong ginagalawan namin.
Hay, ang buhay talaga sa showbiz, oo. Showbiz na showbiz talaga. Ha-hahahaha!