Maricar Reyes, Richard Poon nag-aaway dahil sa toothpaste?

HANGGANG ngayon ay may nadi-discover pa ring mga bagong bagay sa isa’t isa ang mag-asawang Richard Poon at Maricar Reyes, may mga positive at meron ding nega, pero hindi naman daw ito nagiging cause ng pag-aaway.

Ayon sa kontrabida ni Bea Alonzo sa seryeng Sana Bukas Pa Ang Kahapon, may maliliit na differences lang sila ni Richard na noon ay hindi pa niya nakikita.

Sey ng aktres, nagugulat lang siya kapag may nakikita siyang kakaiba sa kanyang mister – tulad na lang ng simpleng paggamit ng toothpaste. “Katulad ng akala ko dati OC (obsessive-compulsive) ako, pero sobrang mas OC pala siya.

In every sense, every detail. Magaling siya like colors ng suit niya or how clean the table is, yung mga ganu’n,” kuwento ni Maricar nang mag-guest siya sa Aquino & Abunda Tonight.

At tungkol naman sa toothpaste, “I squeeze sa bottom, and then siya nag-squeeze sa taas. I guess it compliments ‘coz I squeeze from the bottom so dinadala ko sa taas.

So pagdating na sa kanya, ii-squeeze na lang niya sa top,” chika pa ng misis ni Richard. Dagdag pa niya, “It didn’t cause a fight. Actually, it’s just something that I noticed, parang every morning, ‘bakit ganun e kagabi I squeezed the tube pataas,’ and then suddenly may pisil na doon sa top.

It’s something that I didn’t notice when I lived alone.” Sey ni Maricar, ganu’n daw talaga siguro ang mag-asawa, kaya ang kailangan nilang gawin, intindihin ang isa’t isa at mas patindihin pa ang kanilang pagmamahalan.

Kaya nga ang birthday wish niya noong nakaraang 33rd birthday niya (June 20), “To keep learning and to just be happy, na tuluy-tuloy na ito.” Nag-celebrate rin pala ng kanilang first wedding anniversary noong June 9 ang mag-asawa.

Speaking of Sana Bukas Pa Ang Kahapon na napapanood gabi-gabi sa Primetime Bida ng ABS-CBN pagkatapos ng Ikaw Lamang, third choice lang pala si Maricar para gumanap na kontrabida sa serye (Shasha Bayle) na siyang magpapahirap sa buhay ng dalawang karakter ni Bea bilang sina Rose at Emanuelle.

Balitang una itong in-offer ng Dreamscape Entertainment kay KC Concepcion ngunit kinailangan ngang magpunta ng aktres-TV host sa Amerika para mag-aral. Inalok din ang role kay Iza Calzado hanggang sa mapunta na nga ito kay Maricar.

“I don’t mind (third choice),  I’m actually happy that I was in the running kasi the roles I played before were very, very different from Sasha. So for them to even consider me, nakakatuwa,” paliwanag ni Maricar na ngayon pa lang ay isinusumpa na ng mga manonood dahil sa kasamaan niya sa kuwento ng SBPAK.

In fairness, napakagaling palang all-out kontrabida ni Maricar, to the point na gusto mo nang batuhin ang TV mo kapag mukha niya ang nasa screen.

Ha-hahaha! Sabi nga ng isang kapitbahay namin, may papalit na sa trono nina Cherie Gil at Jean Garcia bilang mga primera contravida.

Anyway, wala pa talagang planong magbuntis si Maricar this year, tatapusin muna niya ang lahat ng kanyang commitments bago sila magka-baby ni Richard, “I think it’s best, we think it’s best na hindi ako nagte-taping kasi yung schedule of having a show is very difficult when you know, you’re going to grow a child.”

Na-shock naman si Maricar nang bigla siyang tanungin ni Kris kung anong birth control method ang ginagamit nila ni Richard, “May ganun?!” ang hiyang-hiya tugon ng aktres.

Hindi ito nakasagot agad kaya humirit na si Kris ng, “Kalendaryo ba (calendar-based contraceptive method)? “Yes, that’s it,” nangingiting sagot ni Maricar.

( Photo credit to maricar reyes official fanpage )

Read more...