Kathryn: Kung makikilala n’yo siya, madali siyang mahalin!


Alam ni Kathryn Bernardo na bawat kilos at pananalita niya ay binabantayan ng publiko, at aware rin siya na palaging nakatutok sa kanila ni Daniel Padilla ang mata ng bawat tao at naghihintay ng mga posibleng pagkakamali na nagagawa nila bilang mga artistang  iniidolo ng mga kabataan

Kaya nga ginagawa nila ni DJ ang lahat para mapanatili ang magandang image nila sa publiko, pero aniya, napakahirap nitong gawin. Pero sey ni Kathryn, ang ginagawa na lang nila ni Daniel ay ang maging totoo sa kanilang fans.

“Nakakatakot magkamali, kahit konting pagkakamali ko lang, kahit hindi ko sinasadya, marami nang magdya-judge sa iyo. Pero I believe po na normal lang naman na magkamali dahil wala naman pong perfect na tao?

At yun po ang gusto kong maipakita sa kanila na hindi porke’t artista ka, perfect ka na. Pero talagang tina-try ko na maging magandang example sa mga (kabataan),” sey ni Kathryn.

Muli namang ipinagtanggol ni Kath si Daniel sa mga bashers nito na nagsasabing suplado, isnabero at plastik daw ang binata, “Kung makikilala lang nila…madali pong mapamahal si DJ, pag kaibigan na niya ang mga tao, tahimik lang kasi siya kaya nami-misinterpret.”

( bandera.ph file photo )

Read more...