Sagad na si nanay | Bandera

Sagad na si nanay

Joseph Greenfield - June 23, 2014 - 03:00 AM

Sulat mula kay Charmelita ng Glan, Sarangani
Dear Sir Greenfield,
Ang tanging tanong ko na lamang sa inyo, Sir Greenfield, ay kung mabubuo pa ang pamilya namin, na iniwan ng haligi ng tahanan at sumama sa maruming GRO.  Awang-awa na ako sa nanay ko.  Parang sagad na ang kanyang lakas sa pagbuhay sa aming magkakapatid, lalo na nang dumating ang sunud-sunod na naniningil ng bayad sa aming mga utang.  Sanay na akong makita ang nanay ko na umiiyak sa gabi at sanay na rin siyang makita na ako rin ay umiiyak.  Naglaho na rin ang pag-asa ko na makapag-aral sa kolehiyo at makatapos para magkaroon ng trabaho sa munisipyo o kapitolyo.  Kahit na anong trabaho ay pinasok ko na, maliban na lamang ang pagbebenta ng aking laman.  Makaaahon pa ba kami sa hirap?
Umaasa,
Charmelita ng Glan, Sarangani
Solusyon/Anlysis:
Palmistry:
May Travel Line (Illustration 1-1 arrow 1.) sa iyong palad. Ibig sabihin sa takdang panahon, at ito’y nakalagay sa iyong kapalaran, bagama’t hindi pa ngayon, makapag-aabroad ka at doon na nga magsisimulang maiahon mo sa kahirapan ang inyong pamilya.
Cartomancy:
Bagama’t mahirap, makakaya ninyong mapaunlad ang inyong pamilya kahit wala na ang iyong ama, ang nais sabihin ng barahang Three of Spades at Seven of Hearts. Ganon paman, sa bandang huli ang King of Diamonds ang nagsasabing muling makapag-aasawa ng may kaya sa buhay ang nanay mo. Ito ang isa sa mga magiging dahilan upang ikaw ay makapangibang bansa. Habang tinutulungan kayo ng nasabing lalaki, tuluy-tuloy ng giginhawa ang pamumuhay ng inyong pamilya.
Itutuloy….

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending