Grabe ang mga nabasa naming pang-ookray ng mga fans nina Daniel Padilla at Kathryn Bernardo kahapon sa Twitter laban sa isang female housemate – kay Loisa na tinawag nilang sinungaling, plastik at kung anu-ano pa.
Balitang pumasok na kahapon sa PBB house sina Daniel at Kathryn at hindi nagustuhan ng Kathniel ang pinaggagawa nitong si Loisa. Nagpapanggap daw kasi itong super fan ni DJ kahit hindi naman.
Sa katunayan daw sinisiraan pa nito ang teen king sa loob ng Bahay ni Kuya, pati na rin si Kathryn. Pero kung makipaglandian daw ito sa binata akala mo siya ang dyowa.
Pagbabanta pa mga ng ilang fans, humanda raw si Loisa paglabas niya ng PBB house at matitikman niya ang bagsik ng Kathniel. Yung iba naman ay nagreklamo, buti pa raw ang isang tulad ni Loisa na isang pekeng fan ay nakita si DJ up close and personal at nakachikahan pa, pero silang mga tunay na nagmamahal sa aktor ay kailangan pang pumila at magpakahirap para lang masulyapan ang kanilang idolo.
Sey ng isang bwisit na bwisit kay Loisa, “FAN DAW SI LOISA PERO MISMONG PAGBIGKAS NG PANGALAN NI DJ DI ALAM. DANYEL ANG TAMA, HINDI DEYNYEL OK!?”
Hirit naman ng isa, “ATTENTION KATHNIEL FANS TAWAG SA MGA FAKE FANS AY KUTO ANG PRESIDENT SI LOISA HAHAHAHAHAHA!”
At ito pa ang nakakaloka, “Sa sobrang kabadtripan ko gusto kong pumuntang manila at magsunog ng bahay named BAHAY NI KUYA!”
( Photo credit to kathryn bernardo official fanpage )