James Wright type na type si Marian | Bandera

James Wright type na type si Marian

Ervin Santiago - June 22, 2014 - 03:00 AM


NAKAKABILIB ang bagong recording artist ng GMA Records na si James Wright, isang Filipino-Australian na lumaki sa Hong Kong at isa sa mga naging grand finalist sa dating reality talent show ng Kapuso network, ang Anak Ko ‘Yan hosted by Jennylyn Mercado.

Nakilala namin si James sa pocket presscon na ibinigay ng GMA para sa kanyang self-titled album kung saan nakapaloob ang hit na hit niyang carrier single niyang “Sana’y Ikaw” na ginamit bilang theme song ng Kapuso series na  Carmela nina Marian Rivera at Alden Richards.

In fairness, hindi lang pang-singer si James, pwedeng-pwede rin siyang maging matinee idol ng GMA dahil sa kanyang kaguwapuhan. At in fairness uli, magaling na siyang mag-Tagalog kahit na lumaki siya sa Hong Kong.

At partida, mahigit isang taon pa lang siya rito sa Pilipinas, ha!  At hindi man siya ang nanalo sa Anak Ko ‘Yan, masasabing maswerte rin ang binata dahil pinagkatiwalaan siya ng GMA Records na ipagprodyus ng sariling album na available na ngayon sa Astroplus, Astro Vision, Odyssey Music & Video, SM Music & Video at sa The Landmark record outlets nationwide and on digital format worldwide through iTunes, Amazon & Spotify.

Bukod sa theme song ng Carmela, nasa album din ni James ang mga Tagalog songs na “Babe,” “Ikaw Yon,” “Kung Hindi Ikaw,” at “Ako’y Sa ‘Yo” na isinulat lahat ng award-winning composer na si Vehnee Saturno.

May bonus minus one pa ‘yan ng lahat ng kanta kaya pwede kayong maki-sing along kay James. Kung bibigyan din daw siya ng chance ng Kapuso network, handa rin siyang sumabak sa acting, pero kung papipiliin siya, mas gusto niyang mag-concentrate talaga sa kanyang singing career dahil ito raw ang first love niya.

Feeling namin magiging magaling na aktor din in the future si James dahil marami siyang pwedeng paghugutan sa kanyang personal life. Alam n’yo ba na hindi rin naging madali para sa kanya ang mabuhay nang normal, dahil nagkaroon pala ng breast cancer ang kanyang nanay noon.

Bukod pa riyan, ilang mga kamag-anak lang ang kasama ni James dito sa Pilipinas ngayon dahil parehong nasa Hong Kong ang kanyang parents – negosyante ang kanyang tatay habang teacher naman ang kanyang nanay.

Isa sa mga favorite ni James ay ang grupong South Border, at crush na crush daw niya si Marian Rivera, in fact, nangangarap siyang makasama ang GMA Primetime Queen kapag nag-artista na rin siya. Type rin daw niya ang beauty ni Heart Evangelista.

( Photo credit to EAS )

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending