Love namin ang batang ito kaya lang, nagtaka kami kung bakit hindi pa man umuusad nang husto ang career niya ay nawala siyang parang bula.
Suppossedly ay isa siya sa mga ibi-build-up ng GMA 7 at nasa kanya naman ang katangian ng isang sisikat na artista – guwapo, macho at talented.
Pero why o why at bigla siyang nawala sa eksena?
“Balita namin ay pumunta raw sa States at nagpakasal sa kanyang non-showbiz Fil-Am girl. Iyon ang kuwento sa akin ng isang friend kong kakilala siya sa States.
Ang chika pa nga ay buntis na ang girl kaya wala siyang choice kundi ang pakasalan ang babae.
Kaya wala siya rito, nandoon na sa US si Geoff,” anang isang source na nag-text sa akin the other day.
Ah okay. Kaya pala nawala siyang bigla sa limelight, iyon pala iyon.
But of course, we have yet to confirm this with Geoff or his manager.
Hindi man big deal maaari ito sa iba pero for us, nagulat lang kami.
Kasi nga, may naghanap sa amin kay Geoff for a show sana kaya napag-alaman namin na ganoon na nga ang nangyari kaya hindi namin siya makontak.
Anyway, kung totoo man ang chikang ito, dapat ay maging masaya na rin tayo for him.
Malay mo, kung hindi man siya sumikat nang husto rito, maaaring sa abroad ay magkapangalan siya, tutal he possesses naman the qualities of becoming bigger.
Kaya good luck na lang sa kanya roon. Mwah!