National Artist award mailap; Nora Aunor etsapwera na naman

MATAPOS ang matagal na paghihintay, hindi pa rin napabilang si Nora Aunor sa mga hinirang na National Artist ng bansa.
Biyernes ng gabi nang pirmahan ni Pangulong Aquino ang proklamasyon na naghihirang sa ilang indibidwal bilang mga bagong National Artist na kinabibilangan nina Alice Reyes para sa Sayaw; Francisco V. Coching (posthumous) para sa  Visual Arts; Cirilo Bautista para sa Literatura;  Francisco F. Feliciano at Ramon Santos para sa Musika; and Jose Maria V. Zaragoza (posthumous) para sa Arkitektura.
Una nang napaulat na kabilang ang aktres na si Aunor sa shortlist na dapat na parangalan, na isinumite ng National Commission for Culture and the Arts at ng Cultural Center of the Philippines, ngunit hindi sinang-ayunan ni Aquino.
Si Aunor ay nominado bilang National Artist for Film.
( Photo credit to nora aunor official fanpage )

Read more...