Paghihiganti ni Bea sa mga kontrabida malapit na


Siguradong nabitin din  kayo sa huling episode ng pilot week ng Sana Bukas Pa Ang Kahapon sa Primetime Bida ng ABS-CBN starring Bea Alonzo and Paulo Avelino kasama ang kasumpa-sumpang kontrabida ng programa na si Maricar Reyes.

In fairness, sa unang linggo pa lang ng serye ni Bea na gumaganap nga bilang sina Rose at Emmanuelle, humataw agad ito sa ratings game, hindi ito nagpapatalo sa taas ng rating ng iba pang proyekto ng Dreamscape Entertainment na umeere sa Primetime Bida, tulad ng Ikaw Lamang at Dyesebel na nag-aagawan pa rin sa pagiging number one sa labanan ng most-watched TV show sa buong bansa, at ang malapit nang matapos na MiraBella ni Julia Barretto.

Talagang hindi na binitiwan ng manonood ang kuwento ng Sana Bukas Pa Ang Kahapon dahil talaga namang kaabang-abang ang bawat eksena nito.

Lalo na kapag nagsimula na ang paghihiganti ng isa sa mga karakter ni Bea matapos nga silang maaksidente sa isang pagsabog.
Sa direksyon nina Jerome Pobocan at Trina Dayrit, kasama rin sa Sana Bukas Pa Ang Kahapon sina Dina Bonnevie, Tonton Gutierrez, at Albert Martinez, with Eddie Garcia, Anita Linda and Susan Roces.

Huwag palampasin ang pagpapatuloy ng magkaugnay na buhay nina Rose at Emmanuelle sa Sana Bukas Pa Ang Kahapon gabi-gabi pagkatapos ng Ikaw Lamang sa ABS-CBN Primetime Bida.

( Photo credit to beq qlonzo official fan page )

Read more...