Kathryn susugod sa PBB, 3 tsismosang housemates lagot


Mukhang magkakaroon ng face off sina Kathryn Bernardo at Jane Oineza. We’re saying this dahil kalat na kalat na sa internet na bibisita sina Kathryn at Daniel Padilla sa Bahay ni Kuya.

‘Pag nagkataon kaya ay sitahin ni Kathryn si Jane sa kanyang pinagsasabi sa mga housemates na nagparetoke siya? Magkaroon kaya siya ng guts na kumprontahin si Jane about the issue?

We doubt if she will do it. We feel na hindi niya papansinin ang issue dahil lalo lang itong lalaki kapag ginawa niya iyon. At saka makakasama ito sa kanyang image as a teen star na tinitingala ng maraming kabataan.

Anyway, ano naman kaya ang mabuting idudulot ng pagbisita nina Kathryn at Daniel sa Bahay ni Kuya? If I know, gimik lang nila ‘yan para pag-usapan at para mag-rate ang  show na ito ng Dos na kulelat pala sa ratings palagi.

Lately kasi ay puro nega ang nababasa ng mga tao about the show kaya kailangang pabanguhin ng Dos ang programa para mag-rate. Gagamitin nila ang Kathniel loveteam para makahatak pa sila ng viewers.

( Photo credit to kathryn bernardo official fanpage )

Read more...