DEAR Aksyon Line,
Ako po si Emmanuel Riego Rodil, tubong Sta. Cruz, Marinduque. Sumulat po ako sa inyo dahil ako po ay loyal reader ng inyong payahagan. May asawa at mga anak. Ako po ay matagal na nagtrabaho sa Marcopper Mining Corporation dito sa aming bayan ng Marinduque. Sarado na po ang employer kung eto pero dito po ako nag serbisyo ng mahabang panahon.
Dahil sa ako po ay 60 anyos, nag-aplay po ako ng pension ko rito sa SSS Marinduque branch.
Ayon po sa kanila ay dalawa ang SSS number ko, kayat nang sumulat sila sa akin ay kaagyat kong pinuntahan at
inalam kung bakit nag-kaganoon.
Ipinaliwanag ko po sa kanila na wala akong pagkakamali dahil sila naman ang nag-iisue. Binigyan po nila ako ng SSS number 04-0133125-5.
Maari po ba ninyo akong matulungan ma fast-track or expedite ang application ko for pension? Lubos na guma galang at nagpapasalamat. Patuloy po sana ang magandang serbisyo n’yo at laging gabayan ng Panginoon Diyos.
Maraming Salamat po.
Umaasa,
EMMANUEL RIEGO RODIL SSS-Member
REPLY: Ito ay kaugnay ng sulat ni G. Emmanuel Riego Rodil hinggil sa problema nang pagkakaroon ng higit sa isang
SSS number at ang posibilidad na mapabilis ang pag-process ng kanyang retirement claim.
Base sa aming record, ang SSS number na 04-0126378-9 ni G. Rodil ay nakansela na noong March 11, 2014. Ang na-retain na number, na siyang dapat niyang gamitin ay ang SSS number na 04-10133125-5. Ang kabuuang hulog ni G. Rodil, matapos ang cancellation ng isa niyang number at consolidation ng kanyang mga contributions sa mga number na ito, ay 230 buwanang hulog.
Tungkol naman sa pagpoproseso ng kanyang retirement claim, nais po naming ipaalam na mayroong prosesong sinusu-nod ang SSS sa page-evaluate ng mga claim. Ayon sa aming verification, na-tapos na ang pagevaluate ng claim ni G. Rodil at ito ay inaayos na para sa pagbabayad. Pinapayuhan namin siyang mag-follow up sa pamamagitan ng aming call center sa mga numerong (02) 9206446 hanggang (02) 9206455.
Sana ay nabigyan namin nang linaw ang mga katanungan ni G. Rodil. Salamat po sa in-yong patuloy na pagtitiwala.
Sumasainyo,
MAY ROSE DL FRANCISCO
Social Security
Officer IV
SSS Media Affairs
May nais ba kayong isangguni sa Aksyon Line? Maari kayong sumulat sa aming tanggapan Aksyon Line c/o Inquirer Bandera, MRP bldg., Mola St. cor. Pasong Tirad st., Makati City o kaya ay mag-email sa jenniferbilog@yahoo.com.ph or jenniferbilog97@gmail.com.
Hangad ng Aksyon Line na buong puso namin kayong mapaglingkuran sa abot ng aming makakaya.
Ang inyo pong lingkod ay maaari rin mapakinggan sa Radyo Inquirer DZIQ 990AM sa Programang Let’s Talk; Mag-usap Tayo, tuwing Lunes, Miyerkules at Biyernes, alas-7
hanggang alas-8 ng gabi; at Isyu ng Bayan tuwing Linggo, alas-8 hanggang alas-10 ng umaga.
Maaari rin po ninyo na matunghayan o mapanood sa pamamagitan ng live streaming www.ustream.tv/channel/dziq.vvv.