Lani sa pagsuko ni Bong: Kailangang magpakatatag para sa pamilya namin!


Pinipilit ni Lani Mercado na magpakatatag sa gitna ng kinakaharap na iskandalo ng kanyang asawang si Sen. Bong Revilla. Kahapon, sumuko nga sa Sandiganbayan ang kanyang asawa dahil sa kasong plunder at graft charges.

“Simula pa last year pa talagang kumapit na kami sa Panginoon. Pero kahit anong gawin mo talagang panalangin kapag dumating ang araw na dadalhin sa piitan ang asawa mo ay iba ang pangamba.

“Pero we don’t have to worry laging sinasabi ni Bong na kailangan maging matatag kami as a family dahil pansamantala siyang mawawala sa araw-araw naming gawain.

I have to be extra strong for them at mapakita ko na matatag kami as a family,” sabi ni Lani sa interview ng ABS-CBN. Sana nga’y makayanan nila ang pagsubok na ito.

( Photo credit to inquirer news service )

Read more...