Celebrity Dance Battle Finals ng TV5 ‘madugo’


NGAYONG Sabado, June 22, mas lalong mag-iinit ang championship fever ng Celebrity Dance Battle lalo na at muling ipapakita ang best at stand-out performances ng limang celebrity finalists na maglalaban-laban para sa P1 million grand prize ng Celebrity Dance Battle Finals sa June 28.

Muling mapapanood ng mga Kapatid viewers ang fancy footworks ni Gary “El Granada” David ng PBA hindi sa hard court kundi sa dance stage. Ipapakita naman ng beauty queen na si Priscilla Meirelles na bumalik na sya sa tip-top shape para humataw sa dance floor.

Muli ring patutunayan ni Iwa Moto ang kanyang pagiging dance vixen sa pamamagitan ng kanyang mga sizzling dance moves. Saglit namang bababa ang showbiz royalty at daring dancer na si Ciara Sotto sa kanyang pole dancing para sumabak sa isang matinding dance routine kasama ang kanyang sa grand finals.

Ipamamalas naman ng wild card finalist na si Rafa-Siguion-Reyna kung bakit sya ang deserving na na lumaban para sa inaasam na P1 million grand prize sa Celebrity Dance Battle Grand Finals.

Sa pangunguna ng dance goddess ng Philippine television na si Lucy Torres-Gomez, kasama ang hunk model twins na sina Anthony and David Semerad, mapapanood ang Celebrity Dance Battle ngayong gabi, 9:15 p.m. sa TV5.

( Photo credit to EAS )

Read more...