Sa gitna ng malilisyosong chika sa kanila ni Cesar
“Bakit naman po ako matatakot o kakabahan?
I’m simply doing my job!” tsika ng matapang at prangka ring kausap na si Sam Pinto hinggil sa isyung posibleng pagselosan siya ni Sunshine Cruz, maybahay ni direk Cesar Montano na leading man niya sa “Hitman”.
Bukod kasi sa napaka-vocal ni amigong Buboy sa pagpuri sa kagandahan at propesyonalismo ni Sam, wala ring kiyeme ang aktor-direktor-producer at writer pa ng “Hitman” na mag-pose ng nakabilad din ang katawan
FHM sexiest nga naman si Sam kaya dapat lang na sinasabayan ni Cesar ang pagpapakita ng magandang physical attributes gaya ng nasa poster ng kanilang movie, “Bakit naman hindi, kinarir ko rin naman ang maging fit at sexy,” hirit ni direk Cesar na hindi ikinailang malaki ang impluwensya ng kaseksihan ni Sam sa kanya.
Kaya naitanong namin kung hindi ba ito pagsisimulan ng selos ni Sunshine? “Sanay na ako,” ang natatawang sagot ni direk sabay sabing, “But seriously speaking, alam na ni Shine ang mga ganyan.
Masyado na kaming maraming pinagdaanan para gawin pang malaking isyu ang mga ganyan.”
Hirit naman ni Sam, “Well, I know she knows it well dahil artista din naman siya.
Basta po ako, I have nothing but high respect and adulation for direk Cesar and the rest of the crew at mga kasamahan namin sa movie.
Kaya nga po nagiging propesyonal ako dahil sila talaga ang unang nagpapakita sa akin ng ganu’n.
Sana nga masundan pa ng ibang projects pagkatapos nito.”
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.