Takot mabiktima ng illegal recruiter

AKSYON LINE,
Gusto ko po sana na mag-aplay ng trabaho sa abroad dahil gusto ko pong matulungan ang parents ko pero natatakot naman po ako na ang aaplayan kong trabaho overseas ay peke.
Natatakot po ako na mabiktima ng illegal recruitment.
Paano po malalaman kung peke o hindi ang trabaho sa abroad na maaari kong aplayan. Sana po ay mabigyan ninyo ako ng payo.
Salamat po,
Adrian

REPLY: Tunay ngang marami ang nabibiktima ng illegal recruitment kaya’t napakahalaga ang iyong katanungan para maiwasan na mabiktima ng illegal recruiters local or overseas employment.
Para malaman na tunay at hindi peke ang nag-aalok ng trabaho sa abroad o overseas, mahalagang i-verify sa website ng Philippine Overseas Employment Administration o POEA kung valid ang job order. Maari ring alamin ang impormasyon sa hotline ng POEA.
Kung sa private ang placement agency for local employment o sub –contractual, maaari naman etong i-check sa DOLE website sa Bureau of Local Employment (BLE).
Mahalagang suriin ang mga rehistradong contractors at ito ay nasa ilalim ng Department 18-A o ang pagpapatupad na guidelines para sa regulations ng mga contractors at sub contractors o manpower agencie.
Sa kasalukuyan ay higit pang pina-igting ng POEA ang kanilang kampanya laban sa illegal recruitment at hindi na makapag biktima pa ang mga ito.
Mahalagang magkaroon ng sapat ng impormasyon at masuring mabuti anumang trabaho ang nasa na aplayan.
Dir. Nelson Hornilla
Asst Regional Director, DOLE- NCR

May nais ba kayong isangguni sa Aksyon Line? Maari kayong sumulat sa aming tanggapan Aksyon Line c/o Inquirer Bandera, MRP bldg., Mola St. cor. Pasong Tirad st., Makati City o kaya ay mag-email sa jenniferbilog@yahoo.com.ph or jenniferbilog97@gmail.com.
Hangad ng Aksyon Line na buong puso namin kayong mapaglingkuran sa abot ng aming makakaya.

Ang inyo pong lingkod ay maaari rin mapakinggan sa Radyo Inquirer DZIQ 990AM sa Programang Let’s Talk; Mag-usap Tayo, tuwing Lunes, Miyerkules at Biyernes, alas-7 hanggang alas-8 ng gabi; at Isyu ng
Bayan tuwing Linggo, alas-8 hanggang alas-10 ng umaga.
Maaari rin po ninyo na matunghayan o mapanood sa pamamagitan ng live streaming www.ustream.tv/channel/dziq.vvv.

Read more...