Rowena, ng Barangay Bongtud, Tandag City
Problema:
1. Mag-iisang taon na kaming nagsasama ng mister ko ay hindi pa rin ako mabuntis. Hindi pa rin kami makabuo. Sabik na sabik na akong magkaanak. Gusto ko nang maramdaman kung paano manganak.
2. Minsan ay pinanood ko ang panganganak ng barkada ko at ako ang naiyak nang lumabas ang bata. Tinatanong na ako ng asawa ko kung mabubuntis pa ba ako. Ayaw naman ng mister ko na ampunin namin ang anak ng aking kamag-anak. April 23, 1981 ang birthday ko at January 31, 1982 ang mister ko.
Umaasa,
Rowena, ng Barangay Bongtud, Tandag City
Solusyon/Analysis:
Astrology:
Ang zodiac sign mong Aries (Illustration 2.) ang nagsasabing upang mas madaling magkaanak, lagi kayong magsiping o magtalik. Sa ganyang paraan, lalakas ang inyong semilya, sapat upang makabuo ng baby upang pagkatapos ng siyam na buwan, isang malusog na lalaking sanggol ang isisilang.
Numerology:
Ang birth date mo ay nagsasabing bukod sa nabanggit na buwan sa itaas, dapat ding itapat ang pagtatalik sa petsang 7, 16, 25, 3, 12, 21, 6, 15 at 30, upang mas madali kayong magkaanak, gayun din naman tuwing nasa first quarter hanggang full moon ang buwan sa langit.
Luscher Color Test:
Kailangan ding gumamit ng kulay na pula sa loob ng inyong silid habang nagtatalik upang sumigla ang inyong semilya at lalo pang sumilakbo ang inyong libido.
Graphology:
Dapat mo rin namang lagyan ng bilog na buntot ang letrang “f” sa iyong lagda, sapagkat ang “bilog sa ilalim ng f” ay sumisimbolo ng kalusugang pang-sexual at pagkakaroon ng malusog na lalaking anak.
Huling payo at paalala:
Rowena, ayon sa iyong kapalaran, huwag kayong mainip na mag-asawa sapagkat itinakda na ang magaganap—sa taon ding ito mabubuo ang isang sanggol sa iyong sinapupunan. Isang cute at malusog na lalaking sanggol ang isisilang at magiging bunga ng inyong matamis at panghabambuhay na pagmamahalan.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.