NAGSALITA na ang mahusay na aktres na si Cherie Gil sa mga intrigang ibinabato sa kanya tungkol sa pagkawala niya sa top-rating teleserye sa Primetime Bida na Ikaw Lamang ng ABS-CBN.
Pati ang diumano’y hindi nila pagkakaintindihan ng bida sa serye at multi-awarded actor na si Coco Martin.
Malugod na nagpaunlak ng panayam si Cherie when we approached her sa ginanap na 37th Gawad Urian Awards sa Dolphy Theater ng ABS-CBN last Tuesday, “Nooo….none!” mariing sabi ni Cherie sa balitang may gap sila ni Coco.
First of all, Coco and the whole cast according to Cherie work so well together. In fact, si Coco ngayon ang nag-iisang “anak” na tinatawag niya.
“Kasi normally, ‘son’ e. Kay Coco, bagay ‘yung anak, ‘di ba? And he calls me ‘My, short for Mommy. Now we have a fantastic camaraderie. Kung saan nanggaling ‘yun (mga isyu), hindi ko na alam. It definitely didn’t happen,” esplika ng aktres.
Masaya raw sila sa set lalo na kapag kumpleto raw ang cast ng Ikaw Lamang, “The whole cast maghahanda ‘yan ng pagkain siya mismo ang nagse-serve,” papuri ni Cherie kay Coco.
Ipinaliwanag niya sa amin kung bakit “pinatay” na ang character niya sa serye, “When I signed for this project it’s clear that I have to leave talaga for the States in June because my daughter is graduating. Yeah, so, ‘yun, nagkataon na na-extend nang na-extend ‘yung show.
“But it had to come to the point na they had to cut my story short because I really had to leave. And, I just didn’t realize na it was gonna be this soon but I guess, my bosses gave me a chance to prepare for my trip,” pahayag niya.
Despite all these intrigues, masayang-masaya siya sa naging ending ng character niya sa Ikaw Lamang. Happy siya na hindi pumayag ang production na ang last scene niya ay nu’ng binaril siya at kinabukasan ay makikita ng mister niya portrayed by Tirso Cruz III ang kanyang dead body.
“Hindi na lang sana nila ako aabalahin the next day dahil lalagyan nila ng double. Pero nagpunta ako sa set I want to see the full cast kasi ‘yun ang last day ko talaga. So, para lang I can be there and be with the cast, e, ‘yun pala may plano talaga na kung pwede akong ilagay sa casket, at hindi talaga ako pumayag nu’ng umpisa, okey?”
Ang totoo, natakot talaga siya na humiga sa kabaong. Although that day, pupunta raw talaga siya sa set dahil alam niya nandoon ang buong cast. But she did not expect na mapapa-oo siya ng production designer na si Manny Morfe.
“First of all, the trivia here is, Manny is one person I respect, dearly and love. He created Lavinia Arguelles (her famous character sa pelikulang ‘Bituing Walang Ningning’ with Sharon Cuneta). So, in honor of him, I said, ‘Alright, I’ll do my best.’ And that obviously made more impact. It was a nice ending,” aniCherie.
Samantala, hindi pinalad na manalo si Cherie bilang Best Actress sa 37th Gawad Urian para sa pelikula niya na siya rin ang nagprodyus, ang “Sonata.” Ang character actress na si Angeli Bayani ang tinanghal na Best Actress para sa Lav Diaz’s “Norte,Hangganan ng Kasaysayan” na nag-win din as Best Picture.
Ang baguhang direktor naman ng “Transit” na si Hannah Espia ang nag-uwi ng trophy for Best Director, habang ang nanalo naman bilang Best Supporting Actor ay si JunJun Quintana para sa “A Philippino Story” at Best Supporting Actress si Angel Aquino sa “Ang Huling Cha-Cha ni Anita.”
Ang replay telecast ng 37th Gawad Urian ay mapapanood on June 21 and June 26 at 7 p.m., and on June 29 at 2 p.m. sa Cinema One.