3 PBB Housemates pinagmumura ng fans nina Kathryn at Daniel

DANIEL PADILLA AT KATHRYN BERNARDO

Galit na galit ang fans ni Kathryn Bernardo kay Jane Oineza at maging sa iba pang female housemates sa PBB na katsikahan ni Jane nang pag-usapan nila si Kathryn. Talagang pinagmumura sila at halos isumpa ng mga netizens.

“Jane, Loisa and Nichole ang dapat sa kanila FORCED EVICTION! Isa pa yan si Jane! If shes true friend of Kathryn, she need to speak up. And protect her friend about allegation and issues!” mataray na sey ng fan ni Kathryn.
“Forced eviction? Agad-agad, ‘the? Nagpapatawa ka?”

Todo tanggol din ang isa pa who said, “REALTALK: ang mga tao kasi ngaun, hnd masaya if nakikita nila ang ibang tao na masaya! kung sinabi man po un ni jane oh well di nman po totoo un noh naninira lang sya! at FYI di po totoong nagparetoke si kath ska san ka nkakita nun? bata pa si kath saka di pa pede un noh!

“Pede ba un tanga lang maniniwala sa balita na yan ok! kaya ang daming nagalit jan kay jane ee plastic na insecure pa. sarili nyang kaibigan sinisiraan nya kahit di nman totoo. kahit tignan nyo pa po ung lahat ng mga picture ni kathryn nung bata ganon pa rin sya wlang pagbabago kung nung bata sya cute na maganda sya.

“Ngayon nman mas lalo lang syang gumanda.. kaya pede poba pakitigil na yang balitang yan kase di nman po totoo eh!” litanya pa nito.

Hindi rin nagpaawat ang isa pa sa pagdepensa sa ka-love team ni Daniel Padilla and commented, “Saan..saan bnda ang retoke jan pkhanap nga… wla kau mkta nuh… kc wla nman tlga… kya kau mga haters…tmigil tgil na kau jan bka ikamatay nio pa yan.”

“Ang no comment na sagot ay katumbas nayan ng oo kung c jane kaibigan tlga, dapat cnbi nya sa mga nag usisa sa kanya n wag na nating pag usapan ang taong wala dto, dna nga maganda ung tanong sa knya about kath sasagot pa xa ng no comment, siyempre no comment ibig sabihin meron?” say naman ng isa pang avid Kathryn fan.

“Sabi nga ni France wala nang time ang ating TEEN QUEEN sa pagpaparetoke. ksi sobrang bz nya…kya mga haters ka u na lng magparetoke…walang lunas yung skit na my pagka inggitera..mas malubha pa yan sa sakit na cancer…ikakamatay nyo yan,” mataray na depensa na isa pang avid supporter ni Kathryn na talagang halos isumpa si Jane Oineza.

Read more...