Richard, Sarah umiwas na lang sa iskandalo para kay Baby Zion

SARAH LAHBATI AT RICHARD GUTIERREZ

Gusto ko ang pamamaraan ng pag-handle nina Richard Gutierrez and Sarah Lahbati sa isyu ng mommy ng aktres na si Esther about that controversial “patay-gutom” ek-ek nito.

Na-offend daw kasi si Mommy Esther Lahbati nu’ng birthday cum binyag ng apo niyang si Baby Zion sa Wack-Wack Country Club last Sunday. Hindi raw kasi siya pinahalagahan man lang sa event and after ng party ay meron daw family member ang mga Gutierrezes na nagsabi sa kaniyang iuwi ang mga natirang pagkain. Nag-self-pity tuloy ang ina ni Sarah.

When asked about that issue, mahinahong nakiusap sina Richard at Sarah na aayusin nila ang problemang ito internally. Hindi nila gustong mag-away-away sila dahil magkakapamilya nga naman sila, di ba?

I don’t want to take away from Mommy Esther ang right niya to get offended dahil alam niyo naman kaming mga nagkakaedad na, nagiging ultra-sensitive kami minsan. Natural na feeling iyon. Ang kailangan lang niya rito ay tamang pagpapaliwanag kung bakit ganoon ang mga naging sitwasyon.

Kasi nga, para sa amin – hindi masamang ipinauuwi sa ating mga kamag-anak at mga kaibigan ang mga natirang pagkain sa parties dahil sayang nga naman iyon. We pay for those. We also do that – pag may party kami halimbawa, I also ask some friends to bring home some food. At kung hindi man siya halimbawa naasikaso that day, hindi na siguro sinasadya ng Gutierrez family iyon dahil mas naka-focus sila sa pag-aasikaso sa ibang bisita.

Feeling siguro ni Mommy Esther ay na-out of place siya dahil wala nga siyang masyadong kilala sa party. Pero madaling maaayos iyon, ang mali lang ni Mrs. Lahbati (no offense meant to her, ha), hindi na sana niya pinost sa social media ang hinanakit niya. Kinausap na lang sana niya sina Richard and Sarah nang personal. Hindi na sana nagkaroon ng samaan ng loob sa pagitan ng dalawang pamilya.

Sana magkausap-usap silang mag-anak. Pero hats off ako kina Chard and Sarah how they handled the issue. Ang magiging kawawa kasi nito pag nagkataon ay si Baby Zion. Tama?

Read more...