Baby boy darating

Sulat mula kay Rowena,  ng Barangay Bongtud,  Tandag City
Dear Sir Greenfield,
Mag-iisang taon na kaming nagsasama ng mister ko ay hindi pa rin ako mabuntis.  Hindi pa rin kami makabuo.  Sabik na sabik na akong magkaanak.  Gusto ko nang maramdaman kung paano manganak.  Minsan ay pinanood ko ang panganganak ng barkada ko at ako ang naiyak nang lumabas ang bata.  Tinatanong na ako ng asawa ko kung manganganak ba ako.  Ayaw naman ng mister ko na ampunin namin ang anak ng aking kamag-anak.  April 23, 1981 ang birthday ko at January 31, 1982 ang mister ko.
Umaasa,
Rowena, ng Barangay Bongtud, Tandag City
Solusyon/Analysis:
Palmistry:
Malinaw naman ang Children Line (Illustration 1. Arrow 1 at 2.) sa iyong palad. Kaya hindi ka dapat kabahan na hindi ka magkaka-baby. Sa halip, tiyak ang magaganap ngayon taon, mabubuntis ka at malusog na lalaking sanggol ang isisilang mo.
Cartomancy:
Three of Hearts, Jack of Diamonds at Three of Clubs ang lumabas (Illustration 1.). Tulad ng nasabi na, ngayon taon, malusog na lalaking sanggol ang isisilang mo at pagdating na pagdating niya sa iyong pamilya, maraming magagandang kapalaran ang inyong matatanggap na may kaugnayan sa materyal na bagay.
Itutuloy….

Read more...