HOROSCOPE, JUNE 19, 2014 | Bandera

HOROSCOPE, JUNE 19, 2014

Madam Sophia - June 19, 2014 - 01:27 PM

Para sa may kaarawan ngayon: Maraming salapi ang darating. Isiping kaya ka nagta-trabaho para lumigaya, kaya wag tipirin ang sarili. Wag ding tipirin ang kasuyo – tutal birthday mo naman i-blow-out ang kasuyo sa isang mamahaling restaurant. Mapalad ang 1, 19, 23, 32, 41 at 48. Mahiwaga mong mantra: Aum-Brahma-Namah-Om.” Blue at orange ang buenas.  
Aries – (Marso 21-April 19)—Sa pinansyal, higit kang kikita ng malaking halaga kung mag-aabroad. Sa pag-ibig, wag mong asahan ang kasuyong walang pangarap sa buhay. Mapalad ang 6, 16, 27, 35, 40 at 48. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Mandala-Om.” Pink at magenta ang buenas.
 Taurus – (April 20-May 20)—Hindi ka tatanda kung palagi kang masaya. Ngitian ang mga kausap upang dumami ang pera. Sa pag-ibig, higit na sasarap ang romansa  kung hahaluan ng harutan at biruan.  Mapalad ang 6, 15, 24, 34, 44 at 48. Mahiwaga mong mantra: Aum-Krato-Joviyo-Om.” Green at purple ang buenas.
Gemini – (May 21-June 21)—Wag isiping nagkaka-edad ka na! Sa aspetong pang-pinansyal, marami ka pang magagawa upang umunlad. Simulan mo na ngayon ang pagpapayaman. Sa pag-ibig tandaang: “ang pusong laging nagmamahal, laging bata ang pakiramdam!” Mapalad ang 5, 15, 22, 33, 40 at 49. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Savitre-Akaye-Om.” Pink at blue ang buenas.
Cancer – (June 22- July 22)—Kung sapat ang iyong pagpipilit, ikaw ay mananaig. Ganon din sa pagyaman, kung sapat ang iyong pagpipilit yayaman ka. Sa pag-ibig, hindi naman dapat na pilitin ang kasuyo sa isang bagay na hindi pa siya ready. Mapalad ang 2, 16, 25, 34, 43, at 47. Mahiwaga mong mantra: “Sutra-Vasudeva-Om.” Green at red ang buenas.
Leo – (July 23 – August 22)—Kapag nawala ang inggit sa mga kaibigan mas madali kang yayaman. Sa pag-ibig, minsan hindi masamang sundin ang suwestyong ng kasuyo na tumahimik at magpakumbaba. Mapalad ang 1, 10, 37, 44, at 49. Mahiwaga mong mantra: “Bhavantu-Madhu-Om.” Yellow at silver ang buenas.
 Virgo – (August 23 – September 22)— Walang perpekto relasyon dahil wala namang perpektong tao. Unawain na lamang ang kasuyo upang wag kayong magkagalit. Sa pinansyal, paglaanan ng salapi ang kalusugan at kinabukasan ng pamilya. Mapalad ang 5, 12, 27, 33, 39 at 42. Mahiwaga mong mantra: “Gurudevo-Gurudeva.” White at purple ang buenas.
Libra – (September 23-October 23)— Higit na makapagbibigay ng kapayapaan ng puso ang pagtulong sa mga nangangailangan. Isa lang ang lihim ng matagumpay at maligayang pamumuhay “love at charity”. Mapalad ang 6, 9, 17, 35, 45 at 49. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Mira-Miraculum-Om.” Pink at green ang buenas.
Scorpio – (October 24 – November 21)— Wag aanga-anga upang hindi lumagpas ang suwerte. Kapag nakakita ka ng pagkakataong mapagkakaperahan, sunggaban agad! Sa pag-ibig, ikaw na ang magsimula upang muling uminit ang nanlalamig na relasyon. Mapalad ang 6, 15, 24, 33, 42, at 45. Mahiwaga mong mantra: “Jai-Guru-Deva-Om”. Red at beige ang buenas.
Sagittarius – (November 22 – December 21)—Pag-igihan pang lalo ang pagmamahal sa kasuyo malaking halaga ng salapi ang mapapakinanbangan mo sa kanya. Wag mainip, matutong mag hintay. Mapalad ang 9, 18, 27, 33, 36, at 43. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Mohan-Grehan-Om.” Blue at pink ang buenas.
 Capricorn – (December 22 – January 19)—Bilang pasasalamat sa tinanong magandang kapalaran habang umuulan  i-blow-out ang minamahal. Yayain ang kasuyo na kumain sa labas at manood ng sine. Sa pinansyal, tuloy ang dating ng grasya. Mapalad ang 1, 13, 21, 27, 30, at 49. Mahiwaga mong mantra: “Om-Visnu-Purana-Om.” Red at gray ang buenas.
 Aquarius – (January 20 – February 18)—Paminsan-minsan dapat kang mag-isa, upag ma-realize mo ang tunay na katuturan ng buhay. Wala sa salapi ang wagas na kaligayahan. Mag hanap ng taong mamahalin ka at mamahalin mo rin sa katauhan ng isang Libra. Mapalad ang 2, 7, 16, 25, 34, at 47. Mahiwaga mong mantra: “El-Adonai-El-Elohim.” Green at violet ang buenas.
Pisces – (February 19 – March 20)—Tandaang mahirap kitain ang pera kaya kailangang magtipid. Sa pag-ibig, impluwensiyahan din ang kasuyo na wag gumastos ng gumastos ng walang kabuluhan. Mapalad ang 5, 15, 23, 32, 41, at 47. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Vedanta-Krisna-Om.” Silver at red ang buenas.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending