Juday isinali sa sitcom ng GMA para 'BANTAYAN'' si Ryan | Bandera

Juday isinali sa sitcom ng GMA para ‘BANTAYAN” si Ryan

Ambet Nabus - June 19, 2014 - 03:00 AM


Katakam-takam kung pagmamasdang mabuti ang katawan ngayon ni Ryan Agoncillo. Produkto nga raw ito ng kanyang regular na diet at exercise at nang kanyang pagiging triathlete na sumasali sa mga competitions.

“Alam n’yo na, medyo nagkakaedad na,” ang natatawang biro nito sabay sagot ng, “Bottomless kasi ang gusto ko, hindi lang topless! Ha-hahaha!” Pero honestly, pwedeng-pwede ngang rumampa o mag-pose sa mga sexy magazines o fashion shows si Ryan dahil yummy naman ang kanyang body.

Pero aniya, “Hindi para sa atin ang mga ganyan.” Simula nga ng mas maging abala si Ryan sa mga shows ng GMA, marami ang nagsabing baka nga ayaw na nitong bumalik pa sa TV5 kung saan balitang ire-revive uli ang Talentadong Pinoy kung saan siya ang main host.

“Matagal ng may ganyang usapan pero maraming pagbabago ang nais nilang gawin, eh. Pati yung direktor ng show na kumbaga ay part nu’ng pagsilang ng show eh, mawawala so what’s the use (of going back)?” paliwanag ni Ryan.

Ibinalita rin ng TV host na itutuloy na nilang mag-asawa ang kanilang naunsyaming bakasyon sa abroad para naman daw subukang mag-bonding ng wagas para makabuo uli ng baby, para may kasunod na sina Yohan at Lucio.

Well, natawa na lang si Ryan nang biruin itong baka naman naiinggit lang sila sa sobrang sweetness ngayon ng “lovers” na sina Matteo Guidicelli at Sarah Geronimo na madalas nilang makasama at maka-bonding. Ha-hahahaha!

( Photo credit to judy ann santos official fanpage )

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending