Ritz Azul ex-BF ni Daiana Menezes ang bagong dyowa?


Sina direk GB Sampedro at Ritz Azul  na ba? Kaya namin ito naitanong ay may pictures kaming nakikitang magkasama ang dalawa sa Instagram ni direk GB at kung kilala ninyo ang nasabing direktor ay hindi siya mahilig mag-selfie maliban na lang kung importanteng tao sa kanya.

Dahil ang huli naming nakitang maraming selfie si direk GB ay noong panahon nila ni Daiana Menezes at pagkatapos noon ay pawang pamilya na niya ang kasama.

Dinededma namin nu’ng una ang selfie pictures nina direk GB at Ritz dahil inisip namin na magkasama lang sila sa trabaho, pero bigla naming naalala na may tinutukso sa kanya ang ilang staff ng show na ini-launch dati at panay ang saway niya.

Hanggang sa may nagtsika sa amin na sobrang sweet daw nina direk GB at Ritz sa ginagawa nilang indie film na “Separados” na entry sa Cinemalaya ngayong Hulyo.

Oo nga, maraming artistang kasama sa pelikula, bakit si Ritz lang ang ka-selfie lagi ni direk GB? Tinext namin kahapon si direk GB kung sila na ni Ritz at mabilis na sumagot ng, “hindi po”, pero ng balikan namin ng tanong na halatang sweet sila sa set ng “Separados” at panay ang selfie nila ay hindi na kami binalikan.

Loveless naman pareho sina direk GB at Ritz kaya walang masama, ‘yun nga lang 18 years ang agwat ng edad nila dahil 38 na si direk at 20 naman ang dalaga.

( Photo credit to ritz azul official fanpage )

Read more...