KUNG meron man akong kinabibilibang young actor ngayon, yan ay walang iba kundi ang napakaguwapong si Arjo Atayde. Nakakatuwa pala itong kausap – malalim and very vocal pero hindi offensive.
Iyan ang gusto ko sa isang aktor, walang kaechosan pero may laman ang utak. He knows what he wants and he truly works hard to achieve it.
“Masuwerte ako dahil I have a very supportive family, my mom (Ms. Sylvia Sanchez) and dad (Papa Art Atayde) and my siblings. They are also my greatest critics.
Masaya ako with how my acting career is doing. Nagpapasalamat ako’t napapansin nila ang aking maliit na kakayahan sa pag-arte. “It’s an honor para i-entrust nila ang ilang magagandang roles sa akin on TV.
Mahirap yung iba pero alam kong kakayanin ko. I want to be known as an actor – a good actor kaya pinagbubutihan ko ang trabaho ko. Pinag-aaralan ko ang tamang pag-arte sa bawat role ayon sa sarili kong style.
I’m a method actor kasi,” ani Arjo na napakadiretsong kausap. Natutuwa raw siya pag merong lumalapit sa kaniya at sinasabihan siyang, “You’re a very good actor” kaysa sasabihin sa kaniyang, “Ang guwapo mo”.
“Okay naman yung masabihan kang guwapo pero iba ang dating pag sinabing magaling ka. Nakakatuwa dahil kahit paano’y meron na ring nakakakilala sa akin. Hindi kasi ako conscious sa ganoon, eh.
“I treat this as a job – a very decent job. Sa totoo lang, I have some actor-friends – only a handful. Mga artista kami pero hindi kami showbiz.
You know what I mean? Hindi ako yung tipong magha-hangout with other actors para mapansin or what, our group would just hang out somewhere and have fun – hindi namin pinag-uusapan ang trabaho.
“Basta ako, M-W-F artista ako because I am doing Pure Love now with Alex (Gonzaga) and Joseph Marco. I will sleep early and go to work on time.
Pag wala akong trabaho, doon lang kami nagkikita ng mga friends ko – either we go out or doon kami gigimik sa bahay. Ganoon lang,” ani Arjo na napansin nga naming masayahin nga pero hindi tsismoso. Ha-hahaha!
Magaling talagang umarte ang batang ito – una namin siyang napanood sa E-Boy then sa Maalaala Mo Kaya a couple of times and the last big break niya was Dugong Buhay and in fairness, nag-shine siya doon.
Nakakatuwa si Arjo dahil wala kaming marinig na reklamo sa kaniya as an actor. Pasimple kasi kaming nagtatanong sa production people sa ABS-CBN about him – his attitude towards work at lahat puro positive.
“Natawa nga ako sa anak ko nu’ng minsang dinalaw ko siya sa taping niya. May dumaang isang mama sa harap namin at nang lumagpas ito, tinawag niya agad at ipinakilala sa akin.
Nang tanungin ko siya after kung sino iyon, sinabi niya sa akin na utility nila. Na-touch ako kung paano niya pahalagahan ang staff ng show nila. That only speaks of his person, na mabuting bata ang anak ko.
I’m just so proud of him,” ani Sylvia Sanchez. Sayang nga lang at hindi pa natapos ni Arjo ang kaniyang entrepreneurial course sa kolehiyo. One year and a semester pa bago niya ito matapos.
“Hopefully pag lumuwag ang sked ko after Pure Love ay mag-aaral ako while working. Puwede naman iyon, di ba? Sayang kasi eh. I promise to finish my studies if I get the opportunity,” pangako ni Arjo sa kaniyang sarili.
Bilib ako sa dedication ng batang ito sa pag-aartista. Kung tutuusin ay hindi naman niya kailangang kumayod talaga sa buhay para magkapera dahil kahit paano naman ay may kaya sila pero mas gusto raw niyang kumikita ng sarili niya.
And thankful din ang mga magulang niya dahil hindi siya tulad ng ibang mga anak-mayaman na lulong sa akung anumang bisyo. Lovelife? Meron na ba? “Wala nga eh.
Naghahanap pa. Ha-hahaha! Meron akong gusto pero wala pa akong time. Naka-focus muna sa work. Gusto ko yung mga tipo ni Alex (Gonzaga), yung ganoon kakulit. Pero hanggang doon lang muna.
Natawa nga ako dahil nu’ng nabanggit kong type ko si Alex, biglang may nagbuo ng loveteam na Arlex sa IG and Facebook. Ang cool lang, malaking tulong ‘yun sa show naming Pure Love,” ani Arjo. Good luck, baby. Mwah!
( Photo credit to alex gonzaga official fanpage )