6-anyos timbog sa droga


KIDAPAWAN CITY—Dinakip ang 20-anyos na umano’y tulak ng droga kasama ang tatlong menor de edad, kabilang ang anim-taong-gulang na batang babae, sa Kabacan, North Cotabato kamakalawa ng gabi.

Ayon sa pulisya, kakasuhan ng drug pushing si Alvin Alamada, 20,  samantalang ang bata at ang dalawang iba pa, may edad 15 at 16, ay ite-turn over sa Department of Social Welfare and Development.

Nakumpiska mula kay Alamada ang isang malaking selyadong plastic pouch na may lamang  50 gramo ng  shabu sa  buy-bust operation alas-7:30 ng gabi.

Kasama ni Alamada ang tatlong bata sa naganap na bentahan ng droga. Ayon sa opisyal, ang bata pa ang may bitbit ng droga.
Isa ang Kabacan sa mga bayan sa North Cotabato na talamak ang bentahan ng shabu.

Read more...