Nina Jose: Bilyonaryo ang dyowa ko!

Wala  silang relasyon ni Bossing

May bilyonaryong boyfriend si Nina Jose.

Parang prepared na si Nina sa isasagot sa amin with matching magazine nang bumisita kami sa set ng Valiente, her second TV5 show after The Jose And Wally Show sitcom nila ni Vic Sotto.

Valiente stars Oyo Sotto, Nadine Samonte and JC de Vera and will start on Feb. 13 kapalit ng magtatapos na Glamorosa.

Nabalitang si Nina pa raw ang nagsabi na nililigawan siya ni Bossing at may regalo pa itong binigay sa kanya.

Nina never said nanligaw sa kanya si Bossing although he did gave her a gift, a scapular.

This religious memento was given to her as a Christmas gift at magkasama nga sila sa isang show.

May boyfriend ngayon si Nina na sinagot niya last Dec. 31 at sa Hong Kong pa man din where she spent New Year with her mother.The boy is a billionaire.

Nasa cover ito this month ng isang business magazine as the 31 year old former model turned businessman owns a P2 billion agricultural business.

Ayaw sabihin ni Nina kung ano ang iniregalo sa kanya ng boyfriend dahil hindi naman siya materyoso.

Kaya niya lang ito kinuwento is because of the tsismis ngang nililigawan din siya ni Bossing.

Oyo, her co-star, believes her of course.

Read more...