Fuel fill cap, neck


Sa regular na pagpapakarga ng gasolina, ang hindi tamang paraan ay nag-reresulta sa pagkakaroon ng kalawang nito na magdudulot ng pag-kabutas ng tangke pagtagal. Ito ang problema ng ating texter…. 6511 sa kanyang motorsiklo.

Kapag nagpapakarga, nagkakaroon ng mga maliliit na aksidente na hindi na pinapansin ng motorista. May pagkakataon na umaapaw ang gasolina kapag hindi kaagad na-patay ang fuel nozzle at tumatama ang nozzle sa filler neck.

Kalimitan na kapag napunasan na ang tumagas na gasolina, ibinababa na ng driver ang  upuan at aalis na ito. At kung hindi ito napunasan nang mabuti, ang hindi naalis na gasolina ay maaaring pumasok sa mga siwang, sa gilid at sa ilalim ng tangke.

Maaari itong kapitan ng alikabok hanggang sa matuyo, at maaaring magsimula rito ang kalawang. Kung hindi ito malilinisan at magpatuloy ang mga ganitong insidente, posible itong sumiklab.

Maaaring umabot ang apoy sa loob ng tangke kung mayroong mga natapong gasolina sa filler neck. Dapat ding suriin ang fill cap kung maluwag na ang goma nito na maaaring maging sanhi ng pagtapon ng gasolina.

Ilalagay nito sa panganib ang buhay ng nakasakay sa motorsiklo. Matapos ang magdamag na pagkaparada ng motorsiklo, makabubuti kung itataas ang upuan at susuriin kung nangamoy gasolina ito.

Kung malakas ang amoy ng gasolina, maaaring mayroon nang tagas ang fill cap. Dapat ding ipasuri kung nawala sa puwesto ang tangke ng gasolina kung naaksidente ang motorsiklo.

Siguruhin din na wala itong leak.Makabubuti rin kung bubuhusan ng tubig ang gasolina na tumapon pero dapat ingatan na hindi ito makakapasok sa tangke at hahalo sa gasolina. Maaari ring gumamit ng sabon para maalis ang tumapong gasolina.

MOTORISTA

Choke lever
AKO po’y taga Upper Calarian, Zamboanga City.  Bago lang po ang motor ko at four-stroke ito.  Nagtataka ako dahil parang mas malakas ang gas kapag ginagamit ko ang choke lever sa start.
…8861

BANDERA

HINDI mo nilinaw kung ano ang ibig mong sabihin ng “malakas sa gas.”  Malakas ba ang konsumo ng gasolina, o malakas ang bugso ng gasolina sa start kaya madaling malunod ang motor?

Kung four-stroke ang motor mo ay puwede nang alisin ang choke-lever, o alisin na lang ang choke cable para hindi na ma-activate ang choke function.

Ang choke mechanism ay kailangan sa two-stroke motorcycle engines lamang.  Ang mga motorsiklo na may  four-stroke levers ay dinisenyo sa malalamig na lugar, kung saan karaniwan ang hard start kapag napakalamig.

Sa mainit na tulad ng Pilipinas, di na kailangan ang choke mechanism.  Panatiliin lamang na malinis ang karburador, air filter at ang gasolinang iyong binibili.

MAY reklamo ka ba sa E-10 gasoline, peke at substandard na piyesa, at ilang bagay hinggil sa fuel, lubricants, motor, atbp?  I-text sa 0917-8446769

Classifieds Motor
YAM RD 400 (‘75) P65 0916-6553782

PARA sa inyong mga riders, mechanics, motorcycle salesmen, parts distributor at insurance companies ang Bandera Motor Section Classifieds.  Puwede ninyong i-text ang inyong ibinebentang motor sa BMS Classifieds at libre ito (one liner lamang).

Halimbawa: YAM Mio P40 (cell phone number).  Kung gusto ninyong makipagpalit, text: SWAP XRM 2010 (cell phone number).  Kung gusto ninyong i-text ang inyong serbisyo, i-text: MECHANIC Sam (cell phone number).  VINTAGE bike (cell phone number).  PARTS (cell phone number).  INSURANCE (cell phone number).  I-text ang mga ito sa 0917-8446769

 

Read more...