Semifinals target ng Rain or Shine, Alaska

Games Today
 (Araneta Coliseum)
5:45 p.m. Rain Or Shine vs. Air21
8 p.m.  Barangay Ginebra vs. Alaska Milk

MABILIS na ruta patungong best-of-five semifinal round ang pakay ng Rain Or Shine at Alaska Milk kontra magkahiwalay na kalaban sa quarterfinals ng PLDT Home Telpad PBA Governors Cup mamayang gabi sa Smart Araneta Coliseum sa Quezon City.

Makakatunggali ng Elasto Painters ang seventh seed Air21 sa ganap na alas-5:45 ng hapon. Magkikita naman ang Aces at ang sixth seed Barangay Ginebra sa ganap na alas-8 ng gabi.

Ang Rain or Shine ang pinakamainit na koponan sa tonreyo dahil napanalunan nito ang huling limang laro. Noong Lunes ay naungusan ng Elasto Painters ang defending champion San Mig Coffee, 95-94, upang sumegunda sa Talk ‘N Text sa pagtatapos ng elims.

Bunga ng panalo ng Elasto Painters ay umangat sa ikatlong puwesto ang Aces. Kung natalo ang Elasto Painters ay magtatapos sana sa ikapito ang Alaska Milk.

Hangad din ng Rain Or Shine na makabawi sa Air21 na tumalo sa kanila, 103-96, noong Mayo 20.  “Gusto namin makabawi, especially me.

Kasi wala ako the first time that we met,” ani Elasto Painters coach Joseller “Yeng” Guiao. “If we advance into the semis, we’ll see how far we can go.”

Ang Rain Or Shine ay pinamumunuan ni Arizona Reid na siyang gumawa ng winning basket may 1.1 segundo ang nalalabi sa laro kontra sa Mixers.

Si Reid ay sinusuportahan nina Gabe Norwood, Jeff Chan, Paul Lee, Beau Belga at Ryan Araña.

( Photo credit to inquirer news service )

Read more...