HOROSCOPE, JUNE 18, 2014 | Bandera

HOROSCOPE, JUNE 18, 2014

Madam Sophia - June 18, 2014 - 03:00 AM

Para sa may kaarawan ngayon: Dahil birthday mo naman, magsuot ng kulay na red. Sa kulay na red ay limpak-limpak na salapi ang matatanggap at sa pag-ibig, muling mag-iinit ang relasyon—masarap na romansa ang kasunod. Mapalad ang 3, 12, 27, 34, 43 at 48. Mahiwaga mong mantra: “Adonai-Elohim-Shaddai.” Blue at red ang buenas.
Aries – (Marso 21-April 19)— Iwasang magyabang at tandaan ang lihim ng pagyaman: Hhindi dapat ipagsabi na marami ka ng pera.”  Sa pag-ibig, i-secret ding mabuti ang nakakikilig na pakikipagrelasyon sa isang Libra. Mapalad ang 6, 18, 25, 34, 43, at 49. Mahiwaga mong mantra: “Visnu-Veda-Vadya.” Beige at red ang buenas.
Taurus – (April 20-May 20)—Sa produktong pagkain kikita ng malaking halaga. Sa pag-ibig, paghandaan ang susunod na pakikipag-date sa kasuyong malupit pero masarap rumomansa. Mapalad ang 6, 15, 24, 33, 36 at 42. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Tantra-Om-Savitra.”  Maroon at green ang buenas.
Gemini – (May 21-June 21)— Upang yumaman, hindi baleng maliit ang kita, ang mahalaga kahit maliit ang kinikita mag-ipon ka.  Sa pag-ibig, isang Libra ang lihim na nagnanasa sa iyo. Mapalad ang 4, 10, 25, 32, 40 at 45. Mahiwaga mong mantra: “Om-Kubera-Aum-Regama.” Pink at gray ang buenas.
Cancer – (June 22- July 22)—Sa araw na ito higit sa inaasahan ang makakamit! Biglang madodoble ang kita. Sa pag-ibig, sopresa ang magaganap, kakaibang init at sarap ang ipadadama sa iyo ng kasuyong Virgo. Mapalad ang 5, 14, 27, 34, 41, at 48. Mahiwaga mong mantra: “Om-Bhama-Aum-Yoti.” Lilac at purple ang buenas.
Leo – (July 23 – August 22)— Wag masyadong magtiwala sa mga kaibigan. May mangungutang pagkatapos ay hindi na naman magbabayad. Sa pag-ibig, magpatago ng pera sa kasuyong kuripot upang hindi maubos ang inyong kabuhayan. Mapalad ang 1, 13, 23, 34, 40 at 48. Mahiwaga mong mantra:  “Aum-Jana-Om-Kaliyuga.” Orange at blue ang buenas.
Virgo – (August 23 – September 22)—Sobrang busy ang araw na ito. Dalawa lang ang dapat mong unahin: ang tungkol sa pag-ibig at pagkakaperahan! Iwas muna sa mga bagay na walang kaugnayan sa salapi at relasyon. Mapalad ang 5, 9, 18, 27, 34, 39 at 45. Mahiwaga mong mantra: “Om-Ananda-Magra-Om.” Red at blue ang buenas.
Libra – (September 23-October 23)—Malaking sopresa ang darating na may kaugnayan sa salapi at pag-ibig. Sa salapi, malaking halaga ng pera ang matatanggap. Sa pag-ibig, masarap na romansa ang malalasap. Mapalad ang 5, 14, 23, 32, 41 at 45. Mahiwaga mong mantra: “Hare-Krisna-Hare Rama.” Silver  at purple ang buenas.
Scorpio – (October 24 – November 21)— Upang magtagumpay ay magpatangay sa agos ng lipunan,  kapag ganyan ay mas maraming salapi ang kikitain. Sa pag-ibig, imbes na kontrahin ang kasuyo, sumang-ayon ka lang ng sumangayon. Mapalad ang 4, 16, 22, 31, 43 at 48. Mahiwaga mong mantra: “Om-Visnu-Purana-Om.” Peach at purple ang buenas.
Sagittarius – (November 22 – December 21)—  Sa pag-ibig, kunin ang atensyon ng minamahal, bigyan siya ng isang bagay na na kulay pula. Sa ganyang paraan muling iinit ang relasyon. Sa pinansyal, panahon na upang magnegosyo ng may kaugnayan sa pagkain. Mapalad ang 3, 12, 22, 27, 35 at 45. Mahiwaga mong mantra: “Kaliguya-Devah-Om.”  Red at blue ang buenas.
Capricorn – (December 22 – January 19) —Dapat lang na paligayahin ang iyong sarili hindi ‘yung puro ibang tao ang iniintindi mo. Bilin ang isang bagay na noon mo pa pangarap na magkaroon. Sa pag-ibig, wag nang magdalawang-isip, sunggaban agad ang kasuyong Cancer. Mapalad ang 1, 7, 19, 27, 34, at 49. Mahiwaga mong mantra: “Shari-Gama-Padhani-Om.” Green at violet ang buenas.
Aquarius – (January 20 – February 18)—Kung talagang mahal mo ang iyong kasuyo ay hindi mo siya dapat bigyan ng sama ng loob! Kung lagi kayong magkasundo, mas maraming suwerte at magagandang kapalaran ang darating. Mapalad ang 4, 18, 21, 28, 37, at 48. Mahiwaga mong mantra: “Om-Obre-Aum-Timbre.” Magenta at lilac ang buenas.
Pisces – (February 19 – March 20)—   Laging i-prioritize ang pamilya at career upang patuloy na magtagumpay at lumigaya.  Sa pag-ibig may kalituhan na namang magaganap, kung sino ang dapat piliin – sa isang Cancer ka liligaya. Mapalad ang 1, 9, 14, 23, 27 at 45. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Malka-Om-Tetra.” Blue at white  ang buenas.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending