Sey ni Sarah, si Matteo lang ang nagtiyaga kay Mommy Divine


IN-ADDRESS na ni Sarah Geronimo ang mga naglabasang photo nila ni Matteo Guidicelli sa social media. Lately kasi ay panay ang surface ng photos ng dalawa, giving hints na sila na talaga.

“Eh, proud naman kasi kami talaga (sa aming relationship). Happy naman tayo,” sabi ni Sarah sa isang interview.
Nagpapasalamat ang Pop Star sa effort ni Matteo na makuha ang loob ng kanyang pamilya.

Alam naman nating lahat kung gaano kahigpit si Divine sa mga suitors  ng  anak. “Siyempre talagang thankful ako doon sa tao kasi siya lang ‘yung gano’n eh.

Tsaka thankful ako sa mga magulang ko at sa lahat ng nangyayari, although hindi naman perpekto, ‘di ba? Ang importante diyan maging thankful nalang tayo kung ano ang meron,” dagdag pa niya.

That said, para na ring sinabi ni Sarah na si Matteo lang ang nag-effort para mapalapit sa kanyang pamilya, sina Rayver Cruz at Gerald Anderson ay hindi.

( Photo credit to sarah geronimo official fanpage )

Read more...