Substance abuse kayang lusutan

LAST week, tinalakay natin ang addiction na dulot ng droga. Kapag natikman at naranasan ang “high” na dala ng iligal na droga gaya ng shabu, meron itong naidudulot na pansamantalang sarap, aliw, at pagiging alerto dahil sa gising na gising ang kaisipan.

Sa sandaling nawala ito, hahanap-hanapin mo na para makaranas muli ng sarap na dala ng “high”. Hanggang sa maging adik na.

Ngayong araw, tatalakayin naman natin ang adiksyon sa alak.

Kapag lango ka na sa alak, hindi mo na kayang kontrolin ang anuman sa iyong kaisipan at emosyon.

Syempre susunod din ang iyong katawan. Marami ang nasisirang parte ng katawan gaya ng atay utak, mga ugat o nerves, puso at iba pa, kung ikaw ay lulong sa alak.

Pansamantalang nilulunod nito ang lahat ng iyong karamdaman lalo na ang hindi kanaisnais na mga eksperyensya at maging mga problema. Bagkus na harapin ang katotohanan, itinatago ang mga problema sa loob ng bote ng alak.

Marami ang naniniwala na mas maganda ang kalusugan niya kapag may alak.

Hindi natin isinasantabi ang kahalagahan ng “social drinking” at “medicinal drinking”.

Ang alcohol ay “habituating” at “permanently damaging”.

Ang addictive nature ng tao ay maaring makahanap ng panandaliang kaligayahan sa droga, sigarilyo, pagkain, alak, sugal, at iba’t-iba pang bisyo.

Kung tuloy-tuloy ang gawain na ganito, hindi lang mamamatay ang pisikal na katawan kundi pati kaisipan at kaluluwa.

Ang malaking tanong ay kung may lunas ba ang addiction?

May pag-asa pa bang maging maayos ang buhay ng isang adik? Ano nga ang katuturan ng buhay?

Kailangan maintindihan muna ito dahil kung walang pagpapahalaga sa buhay, wala ring gagawing positibong paraan para maisaayos ito.

Kaya ang sagot: may pag-asa, may lunas at may buhay pa pagkatapos ng addiction.
Ang mga sumusunod ay siyang dapat tuntunan para maibalik ang nasirang buhay ng isang adik.

TOTAL
WITHDRAWAL

Sa pamamagitan ng rehabilitation, ang isang adik ay kailangang sapilitan ihiwalay sa kinagigiliwang adiksyon. Dahil wala siya sa wastong pag-iisip kapag nasa impluwensiya ng bagay na nagpapalawak ng kanyang adiksyon, dapat ang mga kamag-anak, kaibigan o ang may awtoridad ang dapat magbigay ng desisyon na ilagay siya sa rehabilitation. Kinakailangan na mawala ang kemikal na nagbibigay ng masamang epekto sa kanya.

CONVERSION
Ang pagbabago ng pananaw, pag-uugali at gawain ay mangyayari lamang kapag ang kaisipan ay tutuon sa mas mataas na kaisipan ng Diyos, ang tamang espiritwalidad. Kapag hindi nasamahan nito ang rehabilitation, malamang na babalik uli ang addiction.

EXCHANGE
OF DEEDS
Ang isang “idle mind” o kaisipan ay madaling pasukan ng negatibong enerhiya o impluwensya. Kailangan na may matutunan na mga bago at positibong kaalaman para may mga positibo, makabuluhan at masaganang gawain.

GUARDING
NEWFOUND SELF
Hindi lang dapat matigil ang adiksyon kundi patuloy na bantayan ang sarili upang maiwasan ang mapalapit sa tukso.

GO FOR TOTAL HEALING (Body, Mind, Spirit)
Ang pagtutugma ng kaisipan sa tamang espiritwalidad ay magdudulot ng lakas, kalusugan at buhay na maayos sa pisikal na katawan.
Kaya mag-isip kaibigan!

Read more...