Nanay ni Sarah nagmukhang patay gutom sa binyag ni Baby Zion; pero inokray ng Netizens


TATAY na tatay na ang pananaw ni Richard Gutierrez ngayon, punumpuno kasi ng positive vibes ang kanyang aura. Kitang-kita ‘yun nang makaharap siyang muli ng media kahapon during the presscon of his latest movie “Overtime” ng GMA Films.

Sa gitna ng kaligayahang nadarama nila ngayon ni Sarah Lahbati matapos nga ang engrandeng birthday party cum binyag ng kanilang anak na si Baby Zion, panibagong issue na naman ang kinakaharap ng dalawa dahil sa nagtatampong nanay ni Sarah.

Usap-usapan sa social media ang paglalabas ng sama ng loob ng nanay ni Sarah na si Esther Lahbati, feeling daw kasi nito, nagmukha siyang “patay-gutom” sa party ng kanyang apo.

Sa Instagram niya idinaan ang kanyang emosyon, aniya, “The Truth! Masakit ang ma ignore sa party. Hindi naman pwede pera pera na lang ang lagi nangingibabaw. Para lang makilala ka sa lipunan. Pag wala ka pera di ka kilala.”

Mensahe pa nito, “At the end of the day sinabihan pa ‘ko ng, ‘Esther, magbalot ka ng mga tirang pagkain dyan.’ Pinarinig pa sa mga bisita, grabe! Naawa ako sa sarili ko.

The whole party hindi ako pinansin tapos para ako patay gutom na aalukin ng tira pagkain.” Pero ilang sandali lang ay nabura rin sa IG account ni Mrs. Lahbati ang kanyang post.

May kumampi kay Esther pero mas marami ang nagtaray. Sey ng ilang netizen, mali ang ginawang pagsusumbong ni Mrs. Lahbati sa social media, sana ay kinausap na lang niya nang maayos sina Sarah at Richard.

Anyway, sinagot ni Sarah ang IG post ng ina, “We have gone through a lot in the past year and a half. Both the Lahbati’s and the Gutierrez’s had to go through lots of obstacles and sacrifices to be able to help Chard and I deal with our problems.

“Like any other family we have misunderstandings but we will settle this internally and we will move forward. I hope that we can all live in harmony. Accept, support and understand one another for the sake of baby Zion,” dagdag ni Sarah.

Kahapon, pagkatapos ng presscon ng “Overtime”, ang latest project nga ni Richard sa GMA Films opposite Kapuso young actress Lauren Young  hiningan ng reaksiyon ang aktor tungkol dito, anang aktor, “I really don’t know how to react, kasi, katatapos lang ng napakasayang binyag ni Baby Zion, lahat kami, maligaya sa pagwe-welcome sa kanya sa Christian world.

All I can say siguro is that, kung anuman ang misunderstanding or miscommunication, aayusin namin ‘yan within the family. Positive na lang tayo.”

Maayos naman daw ang relasyon ni Richard sa mga magulang ni Sarah and vice versa kaya naniniwala siya na nagkaroon lang ng hindi pagkakaintindihan. At napakataas pa rin ng respeto niya sa parents ng kanyang girlfriend.

Samantala, siniguro rin ni Richard na hindi masasayang ang ibabayad ng publiko kapag nanood sila ng latest film niya sa GMA Films, ang suspense-drama na “Overtime” na idinirek ng dating komedyanteng si Earl Ignacio at Wincy Ong.

“Bukod sa sulit ang ibabayad nila sa sinehan, moviegoers will come out of the theater feeling na kakaiba ang napanood nila, medyo may something from the usual films na romatic-comedy or horror.

At ang exciting pa rin dito, hindi mo malalaman kung sino ang bad o good guys, until the ending. Yung role kasi namin ni Lauren dito, parehing mabait at masama,” kuwento ni Richard.

At bukod sa napakagandang tema ng pelikula, pangkiliti rin sa mga boys ang ginawang pagpapaseksi ni Lauren, imagine, pumayag ang sister ni Megan Young na makipaghabulan kay Richard habang naka-bra lang?!

Bukod pa ‘yan sa kanilang laplapan at bed scene. Sey nga ni Lauren, “Ginawa ko ‘yung mga eksenang ‘yun dahil kailangan talaga. I’m just thankful kay Chard dahil inalalayan niya ako sa mga eksena namin.

He’s really a gentleman. Hindi ko naman na-feel na nabastos ako or na-violate ang rights ko as a woman.”  Makakasama rin sa movie sina Bearwin Meily, Mitch Valdes, Roadfil, Renz Valerio at Roi Vinzon, with Yayo Aguila, Frencheska Farr at marami pang iba. Showing na ito sa July 2 nationwide.

( Photo credit to richard gutierrez official fanpage )

Read more...