Sylvia natomboy, bumili ng maraming briefs


Ang guwapo ni Sylvia Sanchez! Nakita namin ang mga litrato niya sa social media kahapon na nakasuot ng checkered polo with baseball cap at naka-jeans with matching rubber shoes.

Nasa set pala siya ng pelikulang “The Trial”, bossing Ervin. Isang tomboy ang papel niya sa pelikula na nanay ni John Lloyd Cruz. Ang anak ni Ibyang na si Aiza Seguerra sa Be Careful With My Heart ang nagtuturo sa kanya ng tamang lakad at galaw bilang tomboy.

Anyway, matagal nang nabanggit sa amin ni Ibyang na kasama siya sa pelikula nina Lloydie, Richard Gomez at Gretchen Barretto directed by Chito Roño mula sa Star Cinema.

Kaya Pebrero palang ay nagpagupit na siya bilang paghahanda sa nasabing role. Pero na-delay ang shooting nila dahil nga nabugbog na si Vhong Navarro nina Cedric Lee, kinailangan muna kasing asikasuhin ni direk Chito ang kanyang talent.

At naaksidente pa si Lloydie sa bisikleta sa shooting para sa summer station ID ng ABS-CBN.  Bukod sa mga pangyayaring ito ay ni-revise rin daw ang script ng “The Trial” kaya mas lalong natagalan, kaya nga tumanggap daw muna si Goma ng trabaho sa ibang network habang nagliwaliw naman si Greta sa Europe.

At dahil excited si Ibyang ay panay ang bili niya ng mga damit at sapatos na panlalaki noong nasa Baguio kami noong Pebrero dahil ang akala nga niya, pagbaba niya ng Maynila ay magsu-shooting na sila.

Hindi lang sapatos at damit panlalaki ang binili ni Ibyang, pati briefs daw ay namili na rin siya. Tinanong namin siya kung bakit pati briefs, e, hindi naman makikita ‘yun sa mga eksena niya.

“Gusto ko kasing maramdaman na lalaki ako, gusto kong ma-feel kung ano ang pakiramdam ng isang tomboy. Marami akong kaibigang lesbian, iba naman ‘yung feeling, so gusto ko, feel na feel ko kaya briefs ang isusuot ko,” paliwanag niya sa amin.

At base sa post ni Ibyang sa kanyang Facebook kahapon kasama ang kaibigan naming si Zoe Bartosis, nagulat kami dahil astig na astig ang dating ng mama nina Ria, Arjo, Gela at Xavi Atayde.

Ano naman kaya ang say ng asawa niyang si Papa Art sa new look ng aktres? Say nga ni Ibyang, “Gwapo ko dito no? At sa mga kaibigan kong mga thats my tomboy! Alam na!!! Hahaha join forces na ako sa inyo. Hahaha!”

( Photo credit to EAS )

Read more...