Hubad na katawan ni Paulo bentang-benta; Chakang Bea pinagtripan sa Social Media


MUKHANG inabangan talaga ng manonood ang Sana Bukas Pa Ang Kahapon noong Lunes ng gabi dahil habang nanonood kami ay nakarinig kami ng hiyawan ng mga babaeng nasa katabing unit namin – ito ‘yung ipinalalabas na ang ang eksenang nakahubad si Paulo Avelino habang gumagawa ng tsokolate.

In fairness, nakuha kaagad ni Paulo ang kiliti ng mga babae kaya pakiwari namin ang aktor ang isa sa dahilan kung bakit aabangan ang SBPAK, bukod kay Bea Alonzo.

Samantala, naaliw din kami sa reaksyon ng kasama namin sa bahay nang mabilaukan si Bea sa tsokolateng ipinakain sa kanya ni Paulo, “Hayan, ang landi-landi kasi, nabilaukan ka tuloy!”

Isa pang natawa kaming tanong sa amin, “Bakit ang panget ni Bea, bakit pinapangit siya, noon sa Betty La Fea, ngayon chaka ulit?” Bukod pa ‘yan sa mga komento ng viewers sa social media.

Esplika sa amin ng taga-Dreamscape Entertainment, hindi naman magaganda ‘yung tunay na mayayaman kasi mas importante sa kanila ang mag-manage ng negosyo kaysa magpaganda, na sinang-ayunan namin.

Anyway, maganda ang mga narinig naming feedback sa mga nakapanood sa pilot episode ng Sana Bukas Pa Ang Kahapon at maging sa ratings game ay impressive rin dahil nakakuha ito ng 21.7% samantalang ang katapat nitong programa sa ibang network ay halos kalahati lang ang nakuhang rating.

Ito pa ang nakakaloka bossing Ervin, pilot episode pa lang ng Sana Bukas Pa Ang Kahapon ay kinamuhian na agad si Maricar Reyes-Poon bilang kontrabida ni Bea.

Hala, lagot na! Sabi nga namin, kawawa naman si Richard Poon dahil tiyak na marami siyang maririnig na masasakit na salita tungkol sa kanyang asawa.

( Photo credit to paulo avelino official fanpage )

Read more...