Magulang ni Sarah nakiusap kay Matteo


Nakiusap si Matteo Guidicelli sa press kahapon na kung maaari ay huwag na muna siyang sumagot sa mga tanong na may kunek sa kanyang girlfriend na si Sarah Geronimo.

Sa presscon ng talent show ng ABS-CBN, ang Promil Pre-School i-Shine 3 Talent Camp, kung saan isa nga siya sa mga resident host na magsisimula na very soon, sinabi ni Matteo na sana raw ay ibalato na lang muna sa kanila ni Sarah ang kanilang privacy.

Ito’y bilang respeto na rin sa request ng aktres. Ato kung masaya si Sarah sa relasyon nila ngayon, mas masaya raw ang TV host-actor.

( Photo credit to sarah geronimo officail fanpage )

Read more...