Relasyong Kris-James: Muling ibalik ang tamis ng pag-ibig!

MARAMI ang pumuri kina Kris Aquino at James Yap – mukhang totoo ngang okay na okay na ang relasyon nila ngayon contrary sa perception ng iba na nagpaplastikan lang sila para sa kapakanan ng anak nilang si Bimby.

Sa kabila nga ng pagkabigo sa huli niyang pag-ibig, tuloy ang pagiging mabuting ina ng Queen of all Media sa kanyang mga anak. In fairness, mas nagiging maganda ang relasyon nila ngayon ng kanyang ex-husband na si James at unti-unti nang nabubuo ang kanilang special friendship.

Noong isang araw lang, nakita namin ang picture na ipinost ni Kris sa kanyang Instagram account kung saan kasama niya si James at anak na si Bimby. Nasa loob sila ng isang dressing room sa isang studio.

Naghihintay daw si Kris that time para sa kanyang  commercial shoot. Hindi lang kami sure kung nandoon si James para sunduin si Bimby for his weekly visitation rights sa anak o napadaan lang sa area.

Pero ang malinaw dito, okay na ang pagsasama ngayon ng dating mag-asawa at tuluyan nang nawasak ang pader sa pagitan nila.

Marami naman ang nanukso sa TV host at PBA player nang makita ang kanilang picture sa IG, kung saan makikitang  nakahawak si James sa binti ni Bimby, habang si Bimby naman ay nakahawak sa kamay ni Kris habang inaayusan ito ng  kanyang  make-up artist.

May caption ang nasabing larawan na:  “Cool lang kaming lahat. Advanced Happy Father’s Day James.” Sabi nga ng isang follower ni Kris,  bakit daw hindi na lang sila magbalikan ni James.

Tiyak daw na mas magiging maligaya ang anak nila kung sakaling sila pa rin ang magkatuluyan sa huli. Hindi pa naman daw kasal si James sa gilfriend nito kaya pwedeng-pwede pa rin silang maging magdyowa.

Sabi nga sa isang kanta, muling ibalik ang tamis ng pag-ibig! Pero kung seseryosohin ng publiko ang statement ni Kris tungkol sa pagbabalikan nila ni James, tila suntok sa buwan ang wish ng kanyang followers.

Sey pa nga ni Tetay, masyadong masalimuot at traumatic ang naging pagsasama nila ni James kaya imposible na silang magkabalikan.

Samantala, kumalat naman sa social media kahapon ang balitang pagde-date nina Kris at Derek Ramsay. Ayon sa chika, marami ang nakakita sa dalawa sa Greenbelt 3, mukhang manonood daw ang mga ito ng “The Fault In Our Stars”.

Kasama naman daw ni Kris sina Josh at Bimby sa “date” nila ni Derek.

( Photo credit to EAS )

Read more...