PBB pinasisibak ni Grace Poe; MTRCB naduwag sa ABS-CBN


Nagbigay ng reaction si Sen. Grace Poe at sinabing dapat i-off the air ang Pinoy Big Brother dahil sa gender insensitivity nito noong magbigay si Big Brother ng nude challenge sa mga housemates na sina Jayme Jalandoni at Michelle Gumabao.

Nag-apologize na ang pamunuan ng ABS-CBN at Pinoy Big Brother dahil sa insidente. Actually, marami ang nagsasabing dapat talagang tigbakin na ang show na ito na kung anu-ano na lang ang ginagawa para lang pag-usapan at mag-rate.

Para sa iba, walang magandang values ang show at hindi karapat-dapat panoorin ng mga bagets. “Since the beginning ng pbb, I instructed my then teen kids not to watch said show… mali ang mga values na matututunan dyan.

Till now, I still don’t allow them to watch this show. Lucky me, masunurin mga anak ko,” one guy said. “You can’t sacrifice or play with people just to get high ratings. there are other ways you can do things for people to watch your show,” paniwala naman ng isa.

Actually, dapat i-ban na ang ganyang palabas na pakitang-tao lang. Ano naman ang napala ng publiko sa pagso-sorry ng PBB production? Ang tagal-tagal na nilang ginagawa ‘yan tapos hindi pa sila gender-sensitive until now.

Ano ba ang mga tao diyan mga walang-isip at bobo at hindi alam kung nakaka-offend na sila ng sensibilities ng televiewers nila?
At ito namang MTRCB tinanggap na lang ang apology ng PBB, ni hindi man lang patawan ng parusa.

Bakit, natatakot ba ang MTRCB sa PBB? Clearly, nakagawa ng mali ang PBB, kaya nga sila nag-sorry, hindi ba? But they should be sanctioned para magtanda.

Eh, mukhang walang balak magbigay ng parusa ang MTRCB sa PBB kaya ganyan na lang talaga ang magiging paulit-ulit na eksena sa telebisyon – gagawa ng mistakes and then magso-sorry lang.

Siyempre, iisipin ng network executives ay sorry lang pala lahat ng katapat ng kanilang shenanigans, eh, di mag-sorry na lang nang mag-sorry kapag nagkamali uli.

( bandera.ph file photo )

Read more...