Bagong Show ni Willie tribute kay Pepe Pimentel, bubuhayin ang Kwarta o Kahon


ABOT-LANGIT ang ngiti ng isang dating staff sa show ni Willie Revillame nu’ng makasalubong namin sa ABS-CBN  last Saturday.  Masaya niyang ibinalita na muli silang ipinatawag ni Willie at may pinapakuhang pera para sa kanila mula sa kanyang personal assistant-accountant na si Tess Mationg sa Will Tower Mall.

Agad daw nagpunta sa  Will Tower Mall ang naturang staff at kinuha ang bigay na pera ni Willie worth P10,000. Tiniyak ng kausap namin na marami silang pinabigyan ng TV host dahil sa rami ng envelope na kaparheo nu’ng sa kanya ang nakita niya.

Ganoon naman daw talaga si Willie kung magbigay, hindi sa iilan lang kundi sa buong staff ng dati niyang show. Siguro raw ay alam ni Willie na kailangan ng staff niya ngayon ang pera dahil sa simula na ulit ng klase ng mga anak nila.

Tulad din daw nu’ng huling namudmod ng pera sa kanila ang TV host nu’ng Holy Week. Knows daw ni Willie na marami ang magbabakasyon at mag-uuwian ng probinsya kaya naisip niya na magbigay ng pera sa kanyang staff.

Sadyang hindi raw nakakalimot si Willie sa kanila.Pero sa tuwing magpapatawag daw sa kanila para kunin ang pera, hindi naman nila nakikita si Willie.

Mas maigi nga raw kung nakita nila si Willie para personal na magpasalamat sa mga binibigay niya.  Huling pagkakataon daw na nakita nila si Willie ay noong December ng 2013.

Ayon pa sa staff ni Willie, mga three to two months from  now daw ang sinasabi sa kanila na pagbabalik ng TV host sa bago niyang show. Possible raw na sa TV5 at GMA 7 ie-ere ang bagong show ni Willie. But this time, hindi na raw gaya ng dati na araw-araw.

Once a week na lang daw pero mas uulan daw ng mga papremyo. Mala-Kwarta O Kahon ni Pepe Pimentel na raw ang konsepto ng bagong show ni Willie sa kanyang pagbabalik. Meaning, isa itong game show at hindi na musical/variety game show.

Knowing this, tiyak na naglulundag na sa tuwa ang matagal nang naghihintay na fans sa pagbabalik ni Willie sa telebisyon.

( bandera.blogs photo )

Read more...