Abroad sa Okt.-Nob. (2)

Sulat mula kay Anna Lisa, ng Kalamansig, Sultan Kudarat
Problema:
1.      Ang pangingibang bansa na lang ang nalalabi para makaalis na
ang pamilya sa kahirapan.  Nang dahil sa labis na kahirapan ay nakaka-isip na ng masama ang kapatid kong lalaki.  Panganay ako sa apat na magkakapatid.  Hindi ako natatakot mangibang bansa sa kabila ng masamang nangyayari sa mga OFW.
2.    Kasama ko ang aking pinsan at kapwa kami magtatrabaho sa isang amo.
Matutuloy ba kami?  Kung hindi kami matutuloy ay nakalulungkot naman dahil malaki na ang nagagasta ko.  Minsan ay gusto ko nang sumuko, pero kumontra ang aking mga magulang at sinabi nila na ituloy ko na. Makaaalis ba ako bago matapos ang taon?  Ako’y ipinanganak noong Abril 20, 1985.
Umaasa,
Anna Lisa, ng Kalamansig, Sultan Kudarat
Solusyon/Analysis
Astrology:
Ang zodiac sign mong Taurus (Illustration 2.) ang nagsasabing sa sandaling pinairal ang lakas ng loob, tuloy-tuloy at isa-isa ng matutupad ang lahat ng mga pangarap mo sa buhay, lalong lalo na ang pag-aabroad. Kaya hindi ka dapat sumuko, sa halip lakas loob, ituloy mo ang iyong pag-aaplay.
Numerology:
Ang birth date mo ay nagsasabing sa sandaling nasimulan mo ang pag-aabroad, tuloy-tuloy na yan na ibig sabihin lagi ka ng makapag-aabroad hanggang sa umunlad na ng umunlad ang kabuhayan ng inyong pamilya.
Luscher Color Test:
Upang mas mabilis kang  suwertehin hindi lang sa pag-aabroad kundi sa lahat ng bagay lagi kang gumamit ng kulay na pula. Sa ganyan paraan mas marami suwerte at magagandang kapalaran ang kusa ng darating sa iyong buhay.
Graphology:
Lagyan mo ng bahagyang inobasyon ang iyong lagda upang lalo ka pang suwertehin sa buhay at upang lalo pang mabuo ang tiwala mo sa iyong sarili. Magagawa mo kung hahabaan mo ng pa-straight line ang  dulong bahagi ng iyong lagda, ang pinaka-paa ng letrang “n”. Sa ganyang pirma mahaba at straight line ang dulong bahagi, tuloy-tuloy ka ng susuwertehin sa iyong buhay.
Huling payo at paalala:
Anna Lisa, hindi ka dapat mag-give-up sa kinagawa mong pag-aaplay sa abroad, dahil nakatakda na ang magaganap, sa taon ding ito, sa buwan ng Oktubre hanggang Nobyembre,  matutupad na ang malaon mong pangarap – makapangingibang bansa ka at ang pag-aabroa dna ito ay siya na ring magiging simula upang tuloy-tuloy mong maiahon sa kahirapan ang inyong pamilya.

Read more...