Charice desperadang magka-concert, naubos na raw ang milyones


May kuwentong nakarating sa amin na medyo tagibang daw ang pampinansiyal na sitwasyon ngayon ni Charice Pempengco. Ayon sa kuwento ay nangangailangan ngayon ng mga shows ang international performer dahil malaki ang pangangailangan niyang halaga para matapos ang mga naumpisahan niyang proyektong personal.

Kuwento naman ng isang kampo ay naubos daw kasi ng kanyang inang si Aling Raquel ang naipon niyang malaking halaga nu’ng sunud-sunod ang mga shows niya sa iba-ibang bansa, halos wala na raw natira kay Charice, kaya siya ngayon ang nagigipit.

Pero balita nami’y natapos na rin ang ipinagagawa niyang bahay sa Laguna, ‘yun ang magiging saksi sa pagmamahalan nila ni Alyssa Quijano, lalo na ngayong wala nang problema sa pagitan nila ng pamilya ng dalaga.

Dahil sa talent ni Charice ay malayong magutom ang international singer, maraming nagtitiwala sa kanya, kailan lang ay napanood siya ng mga kaibigan naming matagal nang naninirahan sa Amerika.

Ibang klase raw talagang mag-perform si Charice, sulit na sulit daw ang ipinambili mo ng ticket, bigay na bigay raw ang kanyang performance.

“Si Charice dapat ang kumakanta ng ‘Greatest Performance Of My Life’ dahil sobrang galing niyang mag-perform na para bang huling gabi na ‘yun ng pagpe-perform niya.

“Uuwi kang satisfied, masaya, dahil hindi nasayang ang panahon at ipinambili mo ng ticket kapag siya ang performer na panonoorin mo,” kuwento pa ng aming kaibigan.

Maraming kuwento tungkol kay Charice Pempengco na malayo sa katotohanan. Isa na siguro sa mga kuwentong ‘yun ang sinasabing paghihirap na niya ngayon.

( bandera.ph file photo )

Read more...