Bea: Ang buhay parang tsokolate, minsan matamis, minsan mapait!

ISA na namang serye ang tiyak na aabangan ng manonood simula sa Lunes, ang Sana Bukas Pa Ang Kahapon na pagbibidahan ng tinaguriang Movie Queen ng kanyang henerasyon, si Bea Alonzo.

“Promise namin sa TV viewers, bibigyan namin sila ng isang de-kalidad na movie experience na kakapitan nila gabi-gabi,” ani Bea sa panayam niya kamakailan sa MOR 101.9 For Life!

Dagdag pa ng Kapamilya actress na huling napanood sa telebisyon noong 2012 sa seryeng A Beautiful Affair, sabik na sabik na siyang makabalik muli sa paggawa ng teleserye.

Aniya, “Ang tagal ko na ring hindi gumawa ng ganitong klaseng palabas. Pakiramdam ko parang gumagawa ako ng isang epic love soap opera.”

Sa kuwento ng Sana Bukas Pa Ang Kahapon bibigyang-buhay ni Bea ang mga karakter ng dalawang magkaibang babae na pag-iisahin ng kanilang laban para sa katarungan—si Emmanuelle para sa pagkamatay ng kanyang mga magulang, at si Rose para naman sa  isang krimen na hindi niya ginawa.

Ang serye ay may kunek din sa chocolates kaya noong presscon ng SBPAK, nasabi ni Bea na, “Ang buhay ay parang tsokolate. Minsan matamis, minsan may pait.” Tiyak daw na maraming makaka-relate sa pagkain ng tsokolate pag sinubaybayan nila ang bagong handog ng Dreamscape Entertainment.

Mula sa direksyon nina Jerome Pobocan at Trina Dayrit, ang Sana Bukas Pa Ang Kahapon ay binubuo ng award-winning actors na sina Paulo Avelino, Dina Bonnevie, Tonton Gutierrez, Maricar Reyes, at Albert Martinez; at ng mga beteranong artista na sina Eddie Garcia, Anita Linda, at Susan Roces para sa kanilang natatanging pagganap.

Huwag palampasin ang pagsisimula ng magkaugnay na buhay nina Rose at Emmanuelle sa Sana Bukas Pa Ang Kahapon ngayong Lunes na sa ABS-CBN Primetime Bida.

( Photo credit to bea alonzo official fanpage )

Read more...