Mansion ni Sylvia Sanchez may elevator; di gastadora kaya nakaipon


WE’VE known Ms. Sylvia Sanchez decades back – she started as a sexy actress pero nag-transcend siya into one of the country’s greatest finds dala na rin sa kaniyang husay sa pag-arte at dedication sa kaniyang craft.

Kung napapansin ninyo, she is one of most sought-after character actresses these past years – appearing in many teleseryes and movies left and right. It really pays to be good kaya hindi na dapat pagtakhan kung bakit niya narating ang kinaroroonan niya ngayon.

We love this lady sooo dearly. Kahit noong bata pa siya, we saw that determination in her eyes. In fairness to her, she has paid her tuition fees sa pag-aartista bago naman niya narating ang status niya ngayon.

She has worked truly hard on every inch ng pagiging aktres. “Marami rin naman akong pinagdaanang challenges when I was much younger. Hindi naman din ganoon kadali for me ang maka-penetrate sa showbiz.

Matagal din bago ako nabigyan ng importansiya sa mundong ito. I am very grateful sa showbiz dahil ito ang trabahong bumuhay sa amin ng aking mga anak during our trial times.

“Nu’ng makulong ang asawa ko (Papa Art Atayde), hindi rin biro ang pinagdaanan namin. It wasn’t easy pero patuloy pa rin ang pag-aartista ko. Hanggang sa malagpasan namin ang mga pagsubok na iyon sa buhay namin.

“After ng serye naming Esperanza noon, nagtuloy-tuloy na ang career ko. Ngayon, I may say na parang sinuwerte lang tayo the past three years kung saan sunud-sunod ang trabaho natin at ipinagpapasalamat ko ito lahat sa Itaas.

Hindi Niya ako pinabayaan – kasama sampu ng aking pamilya. I have a very supportive and loving husband and wonderful children. Ang isang anak naming si Arjo ay artista na rin at natutuwa ako dahil he works on his own.

Hindi siya dependent sa akin, he works so hard. Nandito lang kami para gabayan siya. Thank God,” ani Sylvia na hindi kailanman nagbago sa pakitungo sa aming lahat na nakasama niya sa kaniyang pag-akyat sa tugatog ng tagumpay.

Nakatutuwang panoorin ang takbo ng karera ni Sylvia Sanchez – hindi man siya lead star tulad ng iba riyan pero she is very successful sa kaniyang field as a character actress.

Hindi siya nababakante sa trabaho, magaling kasi at marunong makisama. Para siya kakong Hollywood star na kung kailan nagkakaedad ay saka naging in demand at binabayaran nang maayos.

“Hindi naman siguro. Medyo sinuwerte lang siguro. In fairness naman kasi sa akin, hindi ako bulagsak na tao. I take care of the money that I earn from acting.

Ito ang buhay ko and my husband naman has businesses na umaalalay sa aming mag-anak. Tulungan lang kami. At hindi kami nakakalimot magdasal. Pati mga anak namin ay tinuturuan naming maging mabubuting bata.

Sila ang tunay naming yaman, nothing else,” ani Sylvia na hanep ding makisama sa lahat ng mga tao sa paligid niya. But guys, mind you – she is a damn strong woman. Ibang klase ang strength ng babaeng ito.

“You have to be strong sa mundong ito lalung-lalo na sa showbiz. Hindi biro ang trabahong ito. Kailangang mapangalagaan mo ang sarili mo rito. I take care of my health dahil may mga anak ako, may asawa ako.

I find time for them pag bakante ako sa work. Napansin mo, madalas kaming mag-bonding na pamilya pag wala kaming work? At hands-on kami ni Art sa mga bata,” dagdag pa ni Sylvia.

Bilib talaga ako sa babaeng ito – she’s truly wonderful. Kahit sa trabaho, all praises ang kaniyang mga co-workers sa kaniya. She’s very generous to all of them.

“Hangga’t kaya, why not, di ba? Iyan naman ang role natin sa mundong ito, ang tumulong sa abot ng ating makakaya. Kasi nga, lahat ng ito’y hiram lang sa Itaas.

Hindi ka puwedeng magdamot pag may nangangailangan pero hanggang sa maaabot lang ng makakaya mo. Kasi nga, meron din tayong responsibilidad.

Our responsibility sa ating mga anak ay never-ending. It doesn’t end pag nakapagtapos na sila ng pag-aaral. Basta work lang nang work habang may trabaho and you have to be wise sa pag-handle ng pera mo.

Wala naman akong bisyo kaya naaalagaan ko ang konting kinikita ko,” she humbly says. Hats off to you, Sylvia Sanchez. Hindi sa pagyayabang, isa si Sylvia sa mga dapat tularan amongst our showbiz celebrities. Imagine, siya lang yata amongst our character actresses ang may elevator and bahay.

Speaking of Papa Art Atayde naman, matagal na rin namin siyang kilala, siyempre, through Sylvia rin. Bago pa lang silang mag-asawa that time pero nakitaan na namin siya ng kabaitan.

Hindi nga lang kami nabigyan ng pagkakataong maka-bond siya nang husto pero alam naming mabait siyang tao. Nu’ng makulong si Papa Art, nakita namin ang pagdurusa ni Sylvia.

Pero hindi siya bumitaw kailanman, she made sure that she did her part as a loving wife to Papa Art.  “Hindi ako puwedeng bumitiw, the more na naging stronger ang faith ko kay God.

Kasi nga, paano na lang kung bimitaw ako? Paano na ang mga anak namin? I have so much love for him. And thank God for all these blessings,” Sylvia says. Kudos to you guys! May your tribe prosper. Mwah!

( Photo credit to sylvia sanchez official fanpage )

Read more...