ONE evening while watching Dyesebel, hindi namin napigilang i-text ang manager ni Sam Milby na si Erickson Raymundo. Sey namin, ang gwapo-gwapo talaga ni Papa Sam sa mga eksena niya with Anne Curtis and Gerald Anderson.
Mas gumuwapo ngayon si Papa Sam kasi nag-mature na siya. Bigla tuloy naming naisip na it’s about time na magkaroon na ulit ng kilig-drama movie si Papa Sam gaya nu’ng movie niya with Toni Gonzaga and Bea Alonzo.
Pero tingin namin mas need ni Papa Sam ngayon ang bagong leading lady. Dito naalala namin si Sandara Park o si Dara Park ng Korean pop group na 2NE1
Marami ang kinilig sa surprise appearance ni Papa Sam sa concert ng 2NE1 kung saan “kinorner” at kinandungan siya ni Sandara, huh! Feeling tuloy namin type ni Dara si Sam.
Nabasa rin namin ang post ni Sandara sa kanyang Twitter account after ng concert nila sa MOA Arena kung saan na-miss daw niya agad ang mga Pinoy and wish niya na makabalik ng Pinas.
For sure, one of her wishes ay makagawa ulit ng pelikula dito. Kung nakapag-guest si Sandara sa iba’t ibang programs ng ABS-CBN, why not a movie again sa Star Cinema, ‘di ba?
Going back to Papa Sam, we heard pinag-iisipan na ang possibility of making a movie with Sandara. Say pa namin kay Erickson, sure hit sa takilya kapag nagtambal sina Sam at Sandara kaya i-push na ‘yan!
Pero bago ‘yan, si Angeline Quinto muna ang makasama ni Sam sa next movie niya na posibleng makasali sa 2014 MMFF, ang “English Only, Please”.
( Photo credit to EAS )