Kasalang Angelica-John Lloyd malapit na


ISANG dream ni Angelica Panganiban ang natupad. Pangarap pala ni Angelica ang mag-private yacht cruise, something which her boyfriend John Lloyd Cruz recently fulfilled.

Nasa Phuket, Thailand kasi ang couple in advance celebration of John Lloyd’s birthday sa June 24. They were with their friends.
Nag-post si Angelica ng photo nila ni Papa Lloydie with this caption, “Good company in a journey makes the way seem shorter. – Izaak Walton’

“Thank you Idan for a wonderful vacation.. Sabi ko nga sayo sa yacht, hindi pumasok sa isip ko, o hindi ko pinangarap na makasakay ng private yacht, dahil alam kong imposible, kaya d na ko nag attempt ma-ngarap ng malala ?? pero nangyari siya, tinutupad mo ang mga bagay na hindi ko man lang si-nubukang pangarapin? advance happy birthday labidab!! I lablab you!!! #ayphuket.”

Before that ay nag-post din si Angelica sa kanyang Instagram account ng short video na kuha habang nagsu-swimming sila sa Surin Beach sa Phuket, Thailand.

In fairness, ang ganda na nga ng katawan ni Papa Lloydie, ha. Halatang pinaghirapan nito ang kanyang bagong katawan. Although hindi naman buff na buff at all muscled ay gumanda na ang body niya!

Isa sina Angelica at Papa Lloydie sa celebrity couple na smooth-sailing ang relasyon at tila hindi naiintriga. Sana nga sa kasalan na ang ending ng kanilang relationship. Malay n’yo, very, very soon ay mag-announce na sila ng marriage!?

( Photo credit to EAS )

Read more...