Sulat mula kay Milo ng Datu Hoffer Ampatuan, Maguindanao
Dear Sir Greenfield,
Tulad ng maraming politiko, ngayon pa lang ay naghahanda na akong tumakbo sa susunod na eleksyon. Bata pa ako ay tambay na ako ng barangay. Hanggang sa nagbinata na ay sumasama ako sa mga politiko. Hindi pa naman sinlaki ng malalaking pangalan sa politika ang pangalan ko pero kilala rin naman ako kahit paano dahil sa aking paglilingkod sa barangay at munisipyo. Bukod sa mataas na pangarap sa politika, aaminin kong gusto ko ring guminhawa pero hindi ako magnanakaw. Hindi ko inaasahan na dadalhin ako ng malalaking politiko pero may kakayahan din naman akong manalo kahit nasa minorya lang. Manalo kaya ako? Ako’y isinilang noong Okt. 15, 1972.
Umaasa,
Milo ng Datu Hoffer Ampatuan, Maguindanao
Solusyon/Analysis:
Itutuloy