Handa na sa eleksyon | Bandera

Handa na sa eleksyon

Joseph Greenfield - June 13, 2014 - 03:00 AM

Sulat mula kay Milo ng Datu Hoffer Ampatuan, Maguindanao
Dear Sir Greenfield,
Tulad ng maraming politiko, ngayon pa lang ay naghahanda na akong tumakbo sa susunod na eleksyon.  Bata pa ako ay tambay na ako ng barangay.  Hanggang sa nagbinata na ay sumasama ako sa mga politiko.  Hindi pa naman sinlaki ng malalaking pangalan sa politika ang pangalan ko pero kilala rin naman ako kahit paano dahil sa aking paglilingkod sa barangay at munisipyo.  Bukod sa mataas na pangarap sa politika, aaminin kong gusto ko ring guminhawa pero hindi ako magnanakaw.  Hindi ko inaasahan na dadalhin ako ng malalaking politiko pero may kakayahan din naman akong manalo kahit nasa minorya lang.  Manalo kaya ako?  Ako’y isinilang noong Okt. 15, 1972.
Umaasa,
Milo ng Datu Hoffer Ampatuan, Maguindanao
Solusyon/Analysis:
Palmistry:
Malinaw na Sun Line o Guhit ng Pagsikat at tinatawag din ito na Guhit ng Biglang Suwerte (Illustration 1-1 arrow 1.) sa iyong palad. Ibig sabihin, kahit na nasa minorya ka ay malaki ang pag-asa na ikaw ay mananalo dahil ang nasabing guhit tulad ng naipaliwanag na ay tanda ng biglang suwerteng darating sa iyo. Kung baga ang magiging panalo mo ay may kasamang suwerte.
Cartomancy:
Ace of Diamonds, King of Clubs at Nine of Hearts ang lumabas (Illustration 1.). Ang mga baraha ang nagsasabing sa susunod na halalan ay may tsansa  kang manalo at matupad ang iba pang pangarap mo.

Itutuloy

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending