Gaano katagal ang claim sa ECC?

PLANO po sana naming mag-file ng claim sa ECC. Ilang araw po ba bago malalaman kung approved ang claim at hanggang kelan po na tumatagal ang claim? Ang father ko po ay si Ernesto Serrano na naaksidente noong 2012 pa.
Arianne Serrano

REPLY: Salig na rin sa aprubadong resolusyon ng Employees Compensation Commission (ECC) na ipinatupad alinsunod na rin sa anti-red tape act.

Ang claim for disability ng dahil sa sakit o injury ay mayroon lamang limang working days upon submission of complete documents, maliban na lamang kung may hinihinging karagdagang dokumento ang evaluator, pansamantala ay maaari itong masuspinde.

Sa claims for death benefit naman ay may 10 working days upon submission of complete documents.

Ngunit sa pag-claim ng benefits ay kinakailangang tiyakin na hindi lalagpas ng tatlong taon matapos maganap ang aksidente o makaraan ang isang araw na hindi nakapasok ang isang empleyado dahil sa pagkakasakit. Sila ay maaaring makapag-avail ng Employees Compensation.

Sa kaso naman ng pagkamatay ng empleyado, may tatlong taon na prescriptive period din simula ng pagkamatay ng isang miyembro para makakuha ng benipisyo ang naiwang pamilya nito.

Ikinukunsidera naman na na-file na rin ang EC claims sa sandaling nakapag-file na rin ng disability benefit sa SSS.

Ang Employees Compensation ay karagdagang benipisyo na nakukuha ng mga manggagawa sa private and public sector kung work related ang dahilan ng aksidente, sakit o maging kamatayan

Ang benipisyo mula sa ECC ay mula rin sa kontribusyon na ibinibigay ng mga employer sa tinatawag na state insurance fund
Atty. Jonathan
Villasotto
Deputy Executive Director, Employees Compensation Commission
May nais ba kayong isangguni sa Aksyon Line? Maari kayong sumulat sa aming tanggapan Aksyon Line c/o Inquirer Bandera, MRP bldg., Mola St. cor. Pasong Tirad st., Makati City o kaya ay mag-email sa jenniferbilog@yahoo.com.ph or jenniferbilog97@gmail.com.
Hangad ng Aksyon Line na buong puso namin kayong mapaglingkuran sa abot ng aming makakaya.
Ang inyo pong lingkod ay maaari rin mapakinggan sa Radyo Inquirer DZIQ 990AM sa Programang Let’s Talk; Mag-usap Tayo, tuwing Lunes, Miyerkules at Biyernes, alas-7
hanggang alas-8 ng gabi; at Isyu ng
Bayan tuwing Linggo, alas-8 hanggang alas-10 ng umaga.
Maaari rin po ninyo na matunghayan o mapanood sa pamamagitan ng live streaming www.ustream.tv/channel/dziq.vvv.

Read more...